Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Hindi na Niya Aalalahanin ang Ating mga Kasalanan, Agosto 18
Ako, ako nga ang siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin, at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan. Isaias 43:25. KDB 243.1
Sinabi ni Jesus: “Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel” KDB 243.2
Ang pinakamalalim na interes na ipinakita ng mga tao sa mga desisyon ng mga makalupang pagtitipon ngunit mahinang kumakatawan sa interes na naipakita sa mga makalangit na korte nang ang mga pangalan ay naisulat sa aklat ng buhay ay susuriin sa harap ng Hukom ng buong mundo. . . . KDB 243.3
Ang mga kasalanan na hindi pinagsisihan at iwinaksi ay hindi mapapatawad at mapapawi sa mga aklat ng talaan, ngunit tatayo upang sumaksi laban sa makasalanan sa araw ng Diyos. Maaaring nagawa niya ang kanyang masasamang gawain sa liwanag ng araw o sa kadiliman ng gabi; ngunit sila ay bukas at maliwanag sa harap Niyang ginawan natin. Nasasaksihan ng mga anghel ng Diyos ang bawat kasalanan, at nairehistro ito sa mga di-nagkakamaling talaan. Ang kasalanan ay maaaring maitago, itanggi, takpan mula sa ama, ina, asawa, mga anak, at kasama; walang sinuman kundi ang mga may kasalanan na gumawa ang maaaring magpanatili ng pinakamaliit na hinala ng mali; ngunit ito ay lantad sa harap ng mga intelehensiya ng langit. KDB 243.4
Ang kadiliman ng pinakamadilim na gabi, ang lihim ng lahat ng mapanlinlang na sining, ay hindi sapat upang ikubli ang isang kaisipan mula sa kaalaman ng Walang Hanggan. Ang Diyos ay may eksaktong tala ng bawat di-makatarungang pananagutan at bawat di-patas na pakikitungo. Hindi siya nalilinlang ng mga pagpapakita ng kabanalan. Hindi Siya nagkakamali sa Kanyang pagsukat sa karakter. Ang mga tao ay nalilinlang ng mga may masamang puso, ngunit talos ng Diyos lahat ng mga pagpapanggap at nababasa ang panloob na buhay. Gaano ngang solemne ang kaisipang ito!— The Great Controversy, pp. 483-486. KDB 243.5