Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

234/376

Kung Ipinahahayag Natin, Siya Ay Tapat, Agosto 15

Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. 1 Juan 1:9. KDB 240.1

Ang mapagpakumbaba at bagbag na puso, na nasupil ng tunay na pagsisisi, ay magpapahalaga tungkol sa pag-ibig ng Diyos, at ang halaga ng Kalbaryo; at sa pagtatapat ng isang anak sa mapagmahal na ama, gayundin dadalhin ng tunay na nagsisisi ang lahat ng kanyang mga kasalanan sa harap ng Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 641. KDB 240.2

Ang bawat kasalanan ay isang pagkakasala laban sa Diyos, at dapat ipagtapat sa Kanya sa pamamagitan ni Cristo. Bawat hayag na kasalanan ay dapat na hayag na ipagtapat. Ang maling ginawa sa isang kapwa nilalang ay dapat na maitama sa nasaktan. Kung ang sinumang naghahanap ng kalusugan ay nagkasala ng pagsasalita ng masama, kung sila ay naghasik ng pagtatalo sa tahanan, at kapitbahayan, o sa iglesya, at nagdulot ng pagkahiwalay at pagtatalo, kung pinangunahan nila sa anumang maling kasanayan ang iba sa kasalanan, ang mga bagay na ito ay dapat na ipagtapat sa harap ng Diyos at sa harap ng mga nasaktan.— The Ministry of Healing, pp. 228, 229. KDB 240.3

Hindi dapat tayo magtiwala sa ating pananampalataya, kundi sa mga pangako ng Diyos. Kapag nagsisi tayo sa ating mga nakaraang paglabag sa Kanyang kautusan, at nagpasyang magbigay ng pagsunod sa hinaharap, dapat tayong maniwala na tinatanggap tayo ng Diyos alang-alang kay Cristo, at pinatatawad ang ating mga kasalanan. KDB 240.4

Minsan ang kadiliman at panghihina ng loob ay darating sa kaluluwa, at nagbabanta upang lamunin tayo; ngunit hindi natin dapat itapon ang ating kompiyansa. Dapat nating panatilihing nakatuon ang mata kay Jesus, may pakiramdam o walang pakiramdam. Dapat nating hangaring matapat na gampanan ang bawat kilalang tungkulin, at mahinahong magpahinga sa mga pangako ng Diyos.— Messages to Young People, p. 111. KDB 240.5