Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Lahat ng mga Kasalanan, Maliban sa Isa, Ay Patatawarin, Agosto 14
Katotohanang sinasabi ko sa inyo na patatawarin ang lahat ng mga kasalanan ng anak ng mga tao... Ngunit sinumang magsalita ng paglapastangan laban sa Espiritu Santo ay walanq kapatawaran maqpakailanman. Marcos 3:28, 29. KDB 239.1
Ano ang bumubuo sa kasalanan laban sa Banal na Espiritu? Ito ang hayagang pagpapalagay na ang gawain ng Banal na Espiritu ay kay Satanas. Halimbawa, ipagpalagay na ang isang tao ay isang saksi ng espesyal na gawain ng Espiritu ng Diyos. Siya ay may nakakukumbinsing katibayan na ang gawain ay umaayon sa Banal na Kasulatan, at ang Espiritu ay sumasaksi sa kanyang espiritu na ito ay sa Diyos. Pagkatapos, bagaman siya ay nahulog sa ilalim ng tukso; ang pagmamataas, pagdepende sa sariling kakayahan, o ilan pang ibang masamang ugali, ay kumokontrol sa kanya; at tinatanggihan ang lahat ng katibayan ng banal na karakter nito, idinideklara niyang ang una niyang kinikilalang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ang kapangyarihan ni Satanas. Sa pamamagitan ng medyum ng Kanyang Espiritu na ang Diyos ay gumagawa sa puso ng tao; at kapag ang mga tao ay sadyang tinanggihan ang Espiritu, at ipinahahayag na ito ay mula kay Satanas, pinuputol nila ang paraan kung saan ang Diyos ay maaaring makipag-usap sa kanila. Sa pamamagitan ng pagtanggi sa katibayang kinalugdan ng Diyos na ibigay sa kanila, sinarhan nila ang liwanag na nagniningning sa kanilang mga puso, at dahil dito ay naiwan sila sa kadiliman.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 634. KDB 239.2
Anuman ang kasalanan, kapag nagsisi at naniwala ang kaluluwa, nahuhugasan ang pagkakasala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo; ngunit siyang tumatanggi sa gawain ng Banal na Espiritu ay inilalagay ang kanyang sarili kung saan ang pagsisisi at pananampalataya ay hindi makararating sa kanya. Sa pamamagitan ng Espiritu na gumagawa ang Diyos sa puso; kapag sadyang tinanggihan ng mga tao ang Espiritu, at ipinahahayag na ito ay mula kay Satanas, pinuputol nila ang paraan kung saan maaaring makipag-usap sa kanila ang Diyos. Kapag tuluyang tinanggihan ang Espiritu, wala ng magagawa ang Diyos para sa kaluluwa.— The Desire of Ages, p. 322. KDB 239.3