Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

235/376

Ang Pagtatapat Ay Tumutungo sa Kaligtasan, Agosto 16

Sapagkat sa puso ang tao'y nananam palataya kaya't itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya't naliligtas. Roma 10:10. KDB 241.1

Mababatid ba ng mga Cristiano kung ilang beses isinaayos ng Panginoon ang kanilang landas, upang ang mga layunin ng kanilang kaaway ay hindi maisakatuparan, at hindi sila matisod nang nagrereklamo. Dapat manatili sa Panginoon ang kanilang pananampalataya, at walang pagsubok ang makakikilos sa kanila. Dapat nilang kilalanin Siya bilang kanilang karunungan at kahusayan, at Kanyang isasakatuparan ang nais Niya sa pamamagitan nila.—Prophets and Kings, p. 576. KDB 241.2

Ang mga kondisyon ng pagtanggap ng awa mula sa Diyos ay simple at makatuwiran. Hindi tayo hinihilingan ng Panginoon na gumawa ng ilang mabibigat na bagay upang makakuha ng kapatawaran. Hindi natin kailangang gumawa ng mahaba at nakapapagod na mga paglalakbay, o magsagawa ng masakit na mga penitensiya, para bigyan ng papuri ang ating kaluluwa sa Diyos ng langit o upang bayaran ang ating paglabag. Siyang “nagtatapat at nagwawaksi” ng kanyang kasalanan “ay magtatamo ng awa.” KDB 241.3

Sa mga korte sa itaas, si Cristo ay nagsusumamo para sa Kanyang iglesya— nakikiusap para sa mga binayaran Niya ng katubusan ng Kanyang dugo. Ang mga daang siglo, kapanahunan, ay hindi maaaring makabawas sa bisa ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo. Ni buhay o kamatayan, kataasan o kalaliman, ang makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos na na kay Cristo Jesus; hindi dahil sa sobrang higpit ng ating paghawak sa Kanya, ngunit dahil napakabilis Niya tayong hinawakan. Kung ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating sariling pagsisikap, hindi tayo maililigtas; ngunit nakadepende ito sa Isang nasa likod ng lahat ng mga pangako. Ang paghawak natin sa Kanya ay maaaring parang mahina, ngunit ang pag-ibig Niya ay isang nakatatandang kapatid; hangga't pinananatili natin ang ating pakikipagkaisa sa Kanya, walang sinumang makakukuha sa atin mula sa Kanyang kamay.— The Acts of the Apostles, pp. 552, 553. KDB 241.4