Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Tanging Diyos Lamang ang Makapagpapatawad, Agosto 13
Sa Panginoon naming Diyos nagmumula ang habag at kapatawaran; sapagkat kami ay naghimagsik laban sa kanya. Daniel 9:9. KDB 238.1
Huwag tumingin sa mga tao, o isalalay ang iyong pag-asa sa kanila, pakiramdam na sila ay hindi nagkakamali, ngunit patuloy na tumingin kay Jesus. Huwag magsalita ng anumang bagay na maaaring magdala ng kahihiyan sa ating pananampalataya. Ipagtapat lamang ang iyong mga lihim na kasalanan sa harap ng Diyos. Kilalanin ang mga paggala ng puso sa Kanya na lubos na nakaaalam kung paano gamutin ang iyong kalagayan. KDB 238.2
Kung nagkamali ka sa iyong kapwa, kilalanin mo sa kanya ang iyong kasalanan, at magpakita ng bunga ng gayon sa pamamagitan ng pagtutuwid. Pagkatapos ay kunin ang basbas. Lumapit sa Diyos kung ano ka, at hayaan Siyang pagalingin ang lahat ng iyong mga kahinaan. Isulong ang iyong kaso sa trono ng biyaya; gawing lubos ang iyong gawain. Maging taos-puso sa pakikitungo sa Diyos at sa iyong sariling kaluluwa. Kung lalapit ka sa Kanya nang may pusong tunay na nagsisi, bibigyan ka Niya ng tagumpay. Pagkatapos ay maaari kang magtaglay ng isang matamis na patotoo ng kalayaan, na ipinakikita ang mga papuri sa Kanya na tumawag sa iyo mula sa kadiliman patungo sa Kanyang kamangha-manghang kaliwanagan. Hindi ka Niya maling maiintindihan o maling hahatulan. Hindi ka mapapalaya ng iyong kapwa mula sa kasalanan, o malilinis mula sa kasamaan. Si Jesus lamang ang makapagbibigay sa iyo ng kapayapaan. Minamahal ka Niya, at ibinigay ang Kanyang sarili para sa iyo. Ang Kanyang dakilang puso ng pag-ibig ay “naantig sa pakiramdam ng ating mga kahinaan.” KDB 238.3
Anong mga kasalanan ang napakalaki para Kanyang patawarin? Anong kaluluwa ang masyadong madilim at napahirapan ng kasalanan ang hindi Niya maililigtas? Siya ay mapagbigay, hindi naghahanap ng merito sa atin, ngunit sa Kanyang sariling walang-hanggang kabutihan ay pinagagaling ang ating pagtalikod at malaya tayong minamahal, habang tayo ay labis na makasalanan pa. Siya ay “hindi magagalitin, sagana sa tapat na pag-ibig.”— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 649. KDB 238.4
Ipagtapat ang iyong mga kasalanan sa Diyos, na Siya lamang ang maka- pagpapatawad sa mga ito, at ang inyong mga pagkakamali sa isa't isa.— Ibid., p. 639. KDB 238.5