Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

231/376

Siyasatin Mo Ako at Alamin ang Aking Puso, Agosto 12

Siyasatin mo ako, O Diyos, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang mga pag-iisip ko! At tingnan mo kung may anumang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan. Awit 139:23, 24. KDB 237.1

Walang mas mapanlinlang kaysa sa panlilinlang ng kasalanan. Ang diyos ng mundong ito ang dumadaya, at bumubulag, at naghahatid sa pagkawasak. Hindi kaagad na pumapasok si Satanas kasama KDB 237.2

ang kanyang iba't ibang mga tukso. Itinatago niya ang mga tuksong ito na may hawig ng kabutihan. Inihahalo niya sa mga libangan at kahibangan ang ilang kaunting pagpapabuti, at ang mga nadayang kaluluwa ay ginagawang dahilan ang malaking kabutihang makukuha sa paggawa sa mga ito. Ito lamang ang mapanlinlang na bahagi. Ito ay mga malaimpiyernong gawain ni Satanas na naikubli. Ang mga nahihirapang kaluluwa ay gumagawa ng isang hakbang, pagkatapos ay naghahanda para sa susunod. Mas kaaya-ayang sundin ang mgs hilig ng kanilang sariling mga puso kaysa tumayong nagtatanggol, at labanan ang unang pagpapahiwatig ng mandarayang kaaway, at sa gayon ay pigilan ang kanyang mga pagpasok. KDB 237.3

O, paano pinanonood ni Satanas ang kanyang pain na kinukuha kaagad, at nakikita ang mga kaluluwang naglalakad sa mismong landas na kanyang inihanda! Hindi niya nais na sumuko sila sa pagdarasal at sa pagpapanatili ng isang uri ng mga tungkulin sa relihiyon; sapagkat maaari niyang gawing mas kapaki-pakinabang ang mga ito sa kanyang serbisyo. Pinagsasama-sama niya ang kanyang mapandayang pangangatwiran at mapanlinlang na mga patibong sa kanilang mga karanasan at propesyon, at sa gayon ay mahusay na isinusulong ang kanyang hangarin. KDB 237.4

Mayroong pangangailangan para sa malapit na pagsusuri sa sarili, at maingat na pagsisiyasat sa liwanag ng Salita ng Diyos, Ako ba ay maayos, o ako ay bulok, sa puso ko? Nabago ba ako kay Cristo, o ako ay makalaman pa rin sa puso, na may suot na panlabas at bagong damit? Rendahan ang sarili paitaas sa hukuman ng Diyos, at tingnan sa liwanag ng Diyos kung may anumang lihim na kasalanan, anumang pagkakasala, anumang diyus-diyosang hindi isinakripisyo. . . . Makitungo nang tunay sa iyong sariling kaluluwa. Maingat na magsiyasat.— Messages to Young People, pp. 83, 84. KDB 237.5