Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

228/376

Ipinahahayag Ko ang Aking Kasamaan, Agosto 9

Ipinahahayag ko ang aking kasamaan; ako'y puno ng kabalisahan dahil sa aking kasalanan. Awit 38:18. KDB 234.1

Ang kaunting panahon na ginugol sa paghahasik ng ligaw na mga damo, mga minamahal na kaibigang kabataan, ay magbubunga ng isang pananim na makapagbibigay pait sa iyong buong buhay; ang isang oras ng walang pakundangan—kung sakaling sumuko sa tukso—ay maaaring magbaling sa buong agos ng iyong buhay sa maling direksyon. Isang beses ka lang magiging isang kabataan; gawin itong kapaki-pakinabang. Minsang makadaan ka sa lupa, hindi ka na makababalik para maitama ang iyong mga pagkakamali. Siyang tumanggi na kumonekta sa Diyos, at inilalagay ang kanyang sarili sa daan ng tukso, ay tiyak na mahuhulog. Sinusubukan ng Diyos ang bawat kabataan. Marami ang binibigyang-katwiran ang kanilang kawalang-ingat at paggalang, dahil sa maling halimbawa na ibinigay sa kanila ng mga mas may karanasang nag-aangking mananampalataya. Ngunit hindi nito dapat hadlangan ang anuman sa paggawa ng tama. Sa araw ng pangwakas na mga pagtatala hindi ka magsusumamo ng ganoong mga dahilan tulad ng pagsusumamo mo ngayon. Mahuhusgahan ka nang matuwid, sapagkat alam mo ang daan, ngunit hindi mo piniling lumakad dito. . . . Habang ang ilan sa mga kabataan ay sinasayang ang kanilang mga kapangyarihan sa walang kabuluhan at kalokohan, ang iba ay dinidisiplina ang kanilang mga kaisipan, nagtatago ng kaalaman, nagbibigkis ng nakasuot na sandata upang makibahagi sa giyera sa buhay, na determinadong gawin itong tagumpay. Ngunit hindi nila maaaring gawing matagumpay ang buhay, gaano man kataas ang maaari nilang tangkaing akyatin, maliban kung isentro nila ang kanilang pagmamahal sa Diyos. Kung sila ay babaling sa Panginoon nang buong puso, tinatanggihan ang mga pandaraya ng mga taong sa pinakakaunting antas ay magpapahina sa kanilang hangaring gawin ang tama, magkakaroon sila ng lakas at pagtitiwala sa Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 622-624. KDB 234.2

Nasa sa iyo na isuko ang iyong kalooban sa kalooban ni Jesu-Cristo; at sa paggawa mo nito, agad na aariin ka ng Diyos, at gagawa sa iyo sa pagnanais at sa paggawa para sa kanyang mabuting kalooban.— Messages to Young People, p. 152. KDB 234.3