Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

229/376

Aking Nalalaman ang Pagsuway Ko, Agosto 10

Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at ang aking kasalanan ay laging nasa harapan ko. Awit 51:3. KDB 235.1

Kinakailangan ng lubusang pagbabalik-loob para sa mga nagsasabing naniniwala sa katotohanan, upang sila ay makasunod kay Jesus at makatalima sa kalooban ng Diyos—hindi isang pagsumiteng mula sa mga pangyayari, tulad sa kinikilabutang mga Israelita nang ang kapangyarihan ng Walang-hanggan ay inihayag sa kanila, ngunit isang malalim at taos-pusong pagkadama ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. KDB 235.2

Yaong mga di-lubusang nahikayat, ay tulad ng isang puno na ang mga sanga ay nakasabit sa gilid ng katotohanan, ngunit ang mga ugat, na matatag na nakatanim sa lupa, ay naalis sa tigang na lupa ng mundo. Nabigo si Jesus sa paghahanap ng prutas sa mga sanga nito; wala Siyang nakita kundi mga dahon.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 155. KDB 235.3

Ang dahilan kung bakit ang kabataan, at maging ang mga may sapat na gulang ay madaling humantong sa tukso at kasalanan, ay dahil hindi nila pinag- aaralan ang Salita ng Diyos at pinagninilay-nilayan ito ayon sa nararapat. Ang kakulangan ng matatag, desididong determinasyon, na naipakikita sa buhay at pag-uugali, ay mga bunga mula sa kanilang pagpapabaya sa banal na tagubilin ng Salita ng Diyos.— Ibid., vol. 8, p. 319. KDB 235.4

Para makatanggap ng tulong mula kay Cristo, dapat nating mapagtanto ang ating pangangailangan. Dapat tayong magkaroon ng totoong kaalaman sa ating mga sarili. Siya lamang na nakaaalam ng kanyang sarili bilang isang makasalanan ang maililigtas ni Cristo. Tanging kapag nakita lang natin ang ating lubos na kawalan ng kakayahan at talikuran ang lahat ng pagtitiwala sa sarili, ay mahahawakan natin ang banal na kapangyarihan. . . . Ang lahat ng ating mabubuting gawa ay nakasalalay sa isang kapangyarihang labas ng ating sarili; samakatuwid kailangang magkaroon ng isang patuloy na pag-abot ng puso sa Diyos, isang palagian, taimtim na pagtatapat ng kasalanan at pagpapakumbaba ng kaluluwa sa harapan Niya. Napaliligiran tayo ng mga peligro; at ligtas lamang tayo kapag nadarama natin ang ating kahinaan, at kumakapit sa paghawak ng pananampalataya sa ating makapangyarihang Tagapagligtas.— Ibid., p. 316. KDB 235.5