Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Nalalaman ng Diyos ang Aking Kahangalan, Agosto 8
O Diyos, nalalaman mo ang kahangalan ko; ang mga pagkakamaling nagawa ko'y hindi lingid sa iyo. Awit 69:5. KDB 233.1
Maaari nating bolahin ang ating sarili na tayo ay malaya mula sa maraming mga bagay kung saan nagkasala ang iba; ngunit kung mayroon tayong ilang matitibay na bahagi ng karakter, ngunit may isang mahinang bahagi, mayroon pa ring pakikipagniig sa pagitan ng kasalanan at ng kaluluwa. Ang puso ay nahahati sa paglilingkod nito, at sinasabing, “Ang ilan sa sarili at ang ilan sa Iyo.” Ang anak ng Diyos ay dapat hanapin ang kasalanang kanyang inaalagaan at ipinasok sa kanyang sarili, at pahintulutan ang Diyos na tanggalin ito mula sa kanyang puso. Dapat niyang mapagtagumpayan ang iisang kasalanang iyon; sapagkat ito ay hindi isang maliit na bagay sa paningin ng Diyos. KDB 233.2
Sinasabi ng isa, “Hindi ako ang naiinggit, ngunit naiinis ako at nagsasabi ng mga masasamang bagay, kahit na palaging humihingi ako ng paumanhin pagkatapos di-mapigilang magtimpi.” Ang isa pa ay nagsasabing, “May kasalanan ako na ito o iyan, ngunit pagkatapos ay minamaliit ko ang ganoon at ganoong kaimbihan na gaya ng ipinakita ng ilan sa mga taong kakilala ko.” Hindi tayo binigyan ng Panginoon ng isang listahan ng may gradong kasalanan, upang maaari nating isaalang-alang ang ilan bilang may maliit na kahihinatnan, at sasabihing ang magagawa nito ay kaunting panganib, samantalang ang iba ay may higit na kalakhan at mas higit na makasasama. KDB 233.3
Ang isang kadena ay hindi mas malakas kaysa sa pinakamahina nitong kawing. Maaari nating ipahayag na ang gayong kadena ay maganda sa kabuuan, ngunit kung ang isang kawing ay mahina, hindi maaasahan ang kadena. . . . Ang kawalang- pasensyang salitang nanginginig sa iyong mga labi ay hindi na dapat bigkasin. Ang kaisipang ang iyong pagkatao ay hindi tamang sinukat ay dapat na alisin mula sa iyo; sapagkat pinahihina nito ang iyong impluwensiya, at mangyayari ang tiyak na resulta, ginagawa kang mababaw sa isip ng iba. Dapat mong mapagtagumpayan ang ideyang ikaw ay isang martir, at angkinin ang pangako ni Cristo, na nagsasabing, “Ang Aking biyaya ay sapat para sa iyo.”— Messages to Young People, pp. 91, 92. KDB 233.4