Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Aking Buhay Ay Pagod na sa Lungkot, Agosto 7
O pag-isipan nating mabuti ang kamangha-manghang sakripisyong ginawa para sa atin! Subukan nating pahalagahan ang paggawa at lakas na ginugugol ng Langit upang makuha muli ang nawaglit, at ibalik sila sa bahay ng Ama.—Steps to Christ, pp. 19-21. KDB 232.1
Nalalaman ni Jesus ang mga kalagayan ng bawat kaluluwa. Kung mas malaki ang pagkakasala ng makasalanan, mas kailangan niya ang Tagapagligtas. Ang Kanyang puso ng banal na pag-ibig at simpatya ay inilabas higit sa lahat para sa isa na pinakawalang pag-asang nakagapos sa mga silo ng kaaway. Sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo ay nilagdaan Niya ang mga papel ng pagpapalaya ng lahi.— The Ministry of Healing, pp. 89, 90. KDB 232.2
Nang, matapos ang kanyang kasalanan sa panlilinlang kay Esau, tumakas si Jacob mula sa tahanan ng kanyang ama, nabigatan siya sa pakiramdam ng pagkakasala. Mag-isa at naging palaboy, nahiwalay mula sa lahat na naging mahal sa buhay, ang kaisipang higit sa lahat ng iba pa na naidiin sa kanyang kaluluwa, ay ang takot na ang kasalanan ay pumutol ng kanyang ugnayan sa Diyos, na siya ay tinalikdan ng Langit. Sa kalungkutan humiga siya upang magpahinga sa walang-lamang lupa, sa paligid niya ay pawang mga malungkot na burol, at sa itaas, ang langit na may nagniningning na mga bituin. Habang natutulog siya, isang kakaibang liwanag ang kanyang nakita; at narito, mula sa kapatagang kinahihigaan niya, malawak na malilim na hagdan ang tila hahantong paitaas sa mismong pintuan ng langit, at dito ang mga anghel ng Diyos ay dumadaan paitaas at pababa; habang mula sa kaluwalhatian sa itaas, ang banal na tinig ay narinig sa isang mensahe ng ginhawa at pag-asa. Sa gayon ay ipinaalam kay Jacob ang tumugon sa pangangailangan at pananabik ng kanyang kaluluwa— isang Tagapagligtas. Sa kagalakan at pasasalamat nakita niyang naipahayag ang isang paraan kung saan siya, isang makasalanan, ay maibabalik sa pakikipag-isa sa Diyos. Ang hagdan ng kanyang panaginip ay kumakatawan kay Jesus, ang tanging paraan ng komunikasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao. . . . KDB 232.3