Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Narito, Ako'y Walang Kabuluhan, Agosto 4
Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa bibig ko. Job 40:4. KDB 229.1
Bawat pagkilos ng paglabag, bawat pagpapabaya o pagtanggi sa biyaya ni Cristo, ay tumutugon sa iyong sarili; pinatitigas nito ang puso, pinasasama ang kalooban, pinamamanhid ang pang-unawa, at hindi ka lamang ginagawang di-gaanong nakahilig na sumuko, ngunit ginagawa ka ring wala masyadong kakayahang sumuko, sa mahinahong pagsusumamo ng Banal na Espiritu ng Diyos. KDB 229.2
Marami ang nagpapatahimik sa isang nababagabag na budhi sa pag-iisip na maaari nilang baguhin ang isang gawi ng kasamaan kapag kanilang pinili; na maaari nilang maliitin ang mga paanyaya ng awa, at paulit-ulit na maudyukan. Iniisip nilang pagkatapos hamakin ang Espiritu ng biyaya, pagkatapos na ihagis ang kanilang impluwensiya sa panig ni Satanas, sa isang sandali ng kakila- kilabot na sukdulan maaari nilang baguhin ang kanilang landas. Ngunit hindi ito napakadaling gawin. Ang karanasan, ang edukasyon, sa buong buhay, ay lubusang hinubog ang karakter na kakaunti kung gayon ang nagnanais na makatanggap ng larawan ni Jesus. KDB 229.3
Kahit na isang maling katangian ng pag-uugali, isang pagnanasang makasalanan na patuloy na ginagawa, sa huli ay magpapawalang bisa sa lahat ng kapangyarihan ng ebanghelyo. Bawat makasalanang pagpapakasasa ay nagpapalakas sa pag-ayaw ng kaluluwa sa Diyos. Ang taong nagpapakita ng isang taksil na kapangahasan, o isang matibay na pagwawalang-bahala sa banal na katotohanan, ay umaani ng aning kanyang itinanim.— steps to Christ, pp. 33, 34. KDB 229.4
Mahirap para sa atin na maunawaan ang ating mga sarili, ang magkaroon ng tamang kaalaman sa ating sariling mga karakter. Ang Salita ng Diyos ay payak; ngunit madalas mayroong pagkakamali sa paglalapat nito sa sarili. May pananagutan sa panlilinlang sa sarili, at ang isipin na ang mga babala at saway na ito ay walang kahulugan sa akin. . . . Ang pagmamahal at kompiyansa sa sarili ay maaaring magbigay sa atin ng kasiguruhan na tayo ay tama, kahit malayo talaga tayo sa pagtugon sa mga hinihiling ng Salita ng Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 332. KDB 229.5