Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

222/376

Ang Pagtatapat Ay Magtatamo ng Awa, Agosto 3

Siyang nagtatakip ng kanyang mga pagsuway ay hindi sasagana, ngunit ang nagpapahayag at tumatalikod sa mga iyon ay magtatamo ng awa. Kawikaan 28:13. KDB 228.1

Ang mga kondisyon ng pagtatamo ng awa ng Diyos ay simple, makatarungan, at makatuwiran. Hindi tayo hinihilingan ng Panginoon na gumawa ng ilang mabibigat na bagay, para lamang tayo ay magkaroon ng kapatawaran ng kasalanan. Hindi natin kailangang gumawa ng mahaba at nakapapagod na mga paglalakbay, o magsagawa ng masakit na mga penitensiya, upang maging katanggap-tanggap ang ating kaluluwa sa Diyos ng langit, o bayaran ang ating paglabag; ngunit siyang nagtapat at tinalikdan ang kanyang kasalanan ay kahahabagan. Ito ay isang mahalagang pangako, na ibinigay sa nahulog na tao upang hikayatin siyang magtiwala sa Diyos ng pag-ibig, at maghangad ng buhay na walang hanggan sa Kanyang kaharian. . . . KDB 228.2

Hindi hinangad ni Daniel na magdahilan para sa kanyang sarili o sa kanyang bayan sa harap ng Diyos; ngunit sa kababaang-loob at pagsisisi ng kaluluwa ay ipinagtapat niya ang buong lawak at pagpapababa ng kanilang mga paglabag, at pinatunayang matuwid ang pakikitungo ng Diyos na patas sa isang bansang itinakwil ang Kanyang mga hinihingi at hindi makikinabang sa Kanyang mga kasunduan. KDB 228.3

May lubhang pangangailangan ngayon ng taos-pusong paghingi ng tawad at pagsisisi. Ang mga hindi nagpakumbaba ng kanilang kaluluwa sa harap ng Diyos sa pagkilala sa kanilang pagkakasala, ay hindi pa natutupad ang u nang kondisyon ng pagtanggap. Kung hindi pa natin naranasan ang pagsisising iyon na dapat pagsisihan, at hindi ipinagtapat ang ating kasalanan nang may tunay na kapakumbabaan ng kaluluwa at pagkabagabag ng espiritu, na kinamumuhian ang ating kasamaan, hindi talaga tayo naghahangad ng tunay na kapatawaran ng kasalanan; at kung hindi natin kailanman hinahangad, hindi natin kailanman natagpuan ang kapayapaan ng Diyos. Ang tanging dahilan kung bakit hindi tayo nagkaroon ng kapatawaran para sa mga nakaraang kasalanan, ay dahil hindi tayo handang magpababa ng ating palalong puso at sumunod sa mga kondisyon ng Salita ng katotohanan.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 635, 636. KDB 228.4