Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Nahihiya Tayo, Agosto 5
Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kawalan ng dangal; sapagkat tayo'y nagkasala laban sa PANGINOON nating Diyos, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng PANGINOON nating Diyos. Jeremias 3:25. KDB 230.1
Ang pagtatapat ay di-katanggap-tanggap sa Diyos kung walang taos- pusong pagsisisi at pagbabago. Dapat magkaroon ng mga pagbabago sa buhay; lahat ng di-kalugod-lugod sa Diyos ay dapat na iwaksi. Ito ang magiging results ng tunay na kalungkutan sa kasalanan. Ang gawaing dapat nating gawin sa bahagi natin ay malinaw na inihanda sa harapan natin: “Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo.” . . . KDB 230.2
Kapag pinatay ng kasalanan ang mga moral na pananaw, ang manggagaws ng kamalian ay hindi nakauunawa ng mga depekto ng kanyang karakter, o napagtanto ang kalakhan ng nagawa niyang kasamaan; at malibang sumuko siya sa nakakukumbinsing kapangyarihan ng Banal na Espiritu, mananatili siya sa bahagyang pagkabulag sa kanyang kasalanan. Ang kanyang mga pagtatapat ay hindi taos-puso at mataimtim. Sa bawat pagkilala sa kanyang pagkakasala ay nagdadagdag siya ng dahilan upang bigyang-katwiran ang kanyang kurso, na ipinahahayag na kung hindi dahil sa ilang mga pangyayari, hindi niya ito gagawin o iyon, kung saan siya sinaway.—Steps to Christ, pp. 39, 40. KDB 230.3
Walang taong nabubuhay sa kanyang sarili. Ang kahihiyan, pagkatalo, at kamatayan ay nadala sa Israel dahil sa kasalanan ng isang tao. . . . Ang iba't ibang mga kasalanang pinahahalagahan at ginagawa ng mga nagpapahayag na Cristiano ay nagdadala ng pagsimangot ng Diyos sa iglesya. Sa araw ns mabubuksan ang Aklat ng Langit, hindi ipahahayag ng Hukom sa tao sa pamamagitan ng mga salita ang kanyang pagkakasala, ngunit magbibigay ng isang pumapasok, nakakukumbinsing sulyap, at bawat gawa, bawat transaksyon ng buhay, ay malinaw na makikintal sa memorya ng mga manggagawa ng mali. Ang tao ay hindi na, tulad sa panahon ni Josue, kailangang hulihin mula sa bawat tribo hanggang sa pamilya, ngunit ang kanyang sariling mga labi ay magtatapat ng kanyang kahihiyan, ng kanyang pagkamakasarili, kasakiman, kawalan ng katapatan, pagkukunwari, at pandaraya.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 493. KDB 230.4