Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

221/376

Makipagkasundo sa lyong Kapatid, Agosto 2

Kaya't kung maghahandog ka ng iyong kaloob sa dambana, at doon ay naalala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anumang laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng dambana ang kaloob mo, at humayo ka; makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at saka ka magbalik at maghandog ng iyong kaloob. Mateo 5:23, 24. KDB 227.1

May mga pagtatapat na iniaalok ng Panginoon na gawin natin sa isa't isa. Kung nagkamali ka sa iyong kapatid sa salita o gawa, ikaw ay unang dapat makipagkasundo sa kanya bago maging katanggap-tanggap sa Langit ang iyong pagsamba. Umamin sa mga nasaktan mo, at gumawa ng pagtutuwid, na nagbubunga ng karapat-dapat sa pagsisisi. Kung ang sinuman ay may pakiramdam ng kapaitan, galit, o masamang hangarin sa isang kapatid, hayaan siyang pumunta sa kanya nang personal, ipagtapat ang kanyang kasalanan, at humingi ng kapatawaran. KDB 227.2

Sa mga paraan ni Cristo sa pagharap sa mga nagkakamali ay maaari tayong matuto ng mga kapaki-pakinabang na aral na pantay na naaangkop sa gawaing ito ng pagtatapat. Inaanyayahan Niya tayong puntahan siyang nahulog sa tukso, at gumawang mag-isa sa kanya. Kung hindi posibleng matulungan siya, dahil sa kadiliman ng kanyang pag-iisip at pagkahiwalay niya sa Diyos, dapat nating subukang muli na kasama ang dalawa o tatlong iba pa. Kung hindi pa rin naitama ang mali, kung gayon, at pagkatapos lamang nito, dapat nating sabihin ito sa iglesya. Higit na mas mabuti kung maitatama ang mga pagkakamali, at mapapagaling ang mga pinsala, nang hindi dinadala ang bagay na ito sa harap ng buong iglesya. . . . KDB 227.3

Ngunit ang tanong kung paano at kanino dapat ipagtapat ang mga kasalanan, ay nangangailangan ng maingat, mapanalanging pag-aaral. Dapat nating isaalang-alang ito mula sa lahat ng mga punto, na tinitimbang ito sa harap ng Diyos, at humihingi ng banal na kaliwanagan. . . . KDB 227.4

Mayroong kapangyarihan at pamamalagi sa ginagawa ng Panginoon, Siya man ay gumagawa sa pamamagitan ng tao o iba pa Ang mga pusong nasa ilalim ng impluwensiya ng Espiritu ng Diyos ay magkakaroon ng matamis na pakikipagkaisa sa Kanyang kalooban.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 646, 647. KDB 227.5