Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

215/376

Banal at Kagalang-galang ang Kanyang Pangalan, Hulyo 28

Siya'y nagsugo ng katubusan sa kanyang bayan; kanyang iniutos ang kanyang tipan magpakailanman. Banal at kagalang-galang ang kanyang pangalan. Awit 111:9. KDB 221.1

Sa parehong pampubliko at pampribadong pagsamba, pribilehiyo nating lumuhod sa harap ng Panginoon sa tuwing inihahandog natin ang ating mga kahilingan sa Kanya. Si Jesus, ang ating halimbawa ay “lumuhod, at nanalangin.” Sa Kanyang mga alagad ay naitala rin na sila ay “nakaluhod, at nanalangin.” Inihayag ni Pablo, “Iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.” Sa pangungumpisal sa harap ng Diyos ng mga kasalanan ng Israel, lumuhod si Ezra. Si Daniel ay “lumuhod ng tatlong ulit sa loob ng isang araw, na nananalangin, at nagpapasalamat sa harap ng kanyang Diyos.” KDB 221.2

Ang tunay na paggalang sa Diyos ay kinasihan sa pamamagitan ng pagkadama ng Kanyang walang katapusang kadakilaan at isang pagkatanto ng Kanyang presensya. Sa ganitong pagkadama sa Di-nakikita, bawat puso ay dapat na malalim na humanga. Ang oras at lugar ng pananalangin ay sagrado, sapagkat ang Diyos ay naroroon; at habang ang paggalang ay ipinakikita sa pag- uugali at kilos, ang pakiramdam na nagbibigay inspirasyon dito ay lalalim. “Banal at kagalang-galang ang Kanyang pangalan,” ang salmista ay nagpapahayag. Ang mga anghel, kapag sinabi nila ang pangalang iyon, ay tinatakpan ang kanilang mga mukha. Sa anong paggalang, na dapat tayo bilang mga bumagsak at nagkasala, ang dalhin sa ating mga labi! KDB 221.3

Mabuti para sa matanda at bata na pagnilayan ang mga salitang iyon ng Banal na Kasulatan na nagpapakita kung paano dapat isaalang-alang ang lugar na minarkahan ng espesyal na presensya ng Diyos.— Gospel Workers, pp. 178, 179. KDB 221.4

Ang masyadong pormal na wika ay hindi naaangkop sa pananalangin, maging ang kahilingang inihahandog sa pulpito, kapag kasama ang pamilya, o sa lihim. Ang mga naghahandog ng pampublikong panalangin ay dapat gumamit ng simpleng wika, upang maunawaan ng iba kung ano ang sinabi at makiisa sa kahilingan.— Ibid., p. 177. KDB 221.5