Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Sa Umaga Ay Mananalangin Ako sa Iyo, Hulyo 27
O PANGINOON, sa umaga ang tinig ko'y iyong pinapakinggan; sa umaga'y naghahanda ako para sa iyo, at ako'y magbabantay. Awit 5:3. KDB 220.1
Kapag gumising ka sa umaga, nararamdaman mo ba ang iyong kawalan ng kakayahan, at ang iyong pangangailangan ng lakas mula sa Diyos? At mapagpakumbaba ba at buong puso mo bang ipinaalam ang iyong mga kagustuhan sa iyong makalangit na Ama? Kung gayon, minamarkahan ng mga anghel ang iyong mga panalangin, at kung ang mga panalanging ito ay hindi lumabas mula sa mga labi ng pagkukunwari, kapag nasa panganib ka na hindi namamalayang paggawa ng mali, at nagsasagawa ng isang impluwensiyang maghahatid sa iba na gumawa ng mali, tatabihan ka ng iyong tagapag-alagang anghel, hihimukin ka sa isang mas mabuting landas, na pinipili ang mga salita para sa iyo, at iniimpluwensiyahan ang iyong mga pagkilos. KDB 220.2
Kung sa pakiramdam mo ay walang panganib, at kung hindi ka naghandog ng panalangin para sa tulong at kalakasan upang labanan ang mga tukso, siguradong maliligaw ka; ang iyong pagpapabaya sa tungkulin ay mamarkahan sa aklat ng Diyos sa Langit, at matatagpuan kang nagkulang sa araw ng pagsusulit.— Testimonies for the Church, vol. 3, pp. 363, 364. KDB 220.3
Magtamo sa umaga at gabi ng tagumpay para sa inyong sarili sa inyong pamilya. Huwag hayaang pigilan kayo ng inyong pang-araw-araw na paggawa. Maglaan ng oras para manalangin, at sa inyong pananalangin, maniwalang pinakikinggan kayo ng Diyos. Magkaroon ng pananampalatayang may kaakibat na panalangin. Maaaring hindi ninyo madama ang agarang sagot sa lahat ng oras; ngunit sa ganito nasusubok ang pananampalataya. Nasusubok kayo upang makita kung magtitiwala ba kayo sa Diyos, kung kayo ba ay may buhay, at nananatiling pananampalataya.— Ibid., vol. 1, p. 167. KDB 220.4
Ang mga nag-uugnay sa kanilang sarili sa Diyos ay kinikilala Niya bilang Kanyang mga anak na lalaki at babae. Patuloy silang umaabot nang mas mataas, nakakukuha ng mas malinaw na mga pananaw tungkol sa Diyos at sa kawalang- hanggan, hanggang sa gawin silang mga daluyan ng liwanag at karunungan sa mundo.— Messages to Young People, p. 247. KDB 220.5