Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

209/376

Magbulay-bulay sa Gawa ng Kanyang mga Kamay, Hulyo 22

Aking naaalala ang mga araw nang una, aking ginugunita ang lahat mong ginawa; aking binubulay-bulay ang gawa ng iyong mga kamay. Awit 143:5. KDB 215.1

Ang kaawaan ng Diyos ay nakapaligid sa iyo sa bawat sandali; at magiging kapaki-pakinabang para sa iyo na isaalang-alang kung paano at kung saan darating ang iyong mga pagpapala araw-araw. Hayaang gisingin ng mahalagang mga pagpapala ng Diyos ang pasasalamat sa iyo. Hindi mo mabibilang ang mga pagpapala ng Diyos, ang patuloy na pagmamahal na ipinahahayag sa iyo, sapagkat ang mga ito ay kasindami ng mga nakagiginhawang patak ng ulan. KDB 215.2

Ang mga ulap ng awa ay nakasabit sa iyo, at nakahandang pumatak sa iyo. Kung pahahalagahan mo ang mahalagang regalo ng kaligtasan, mararamdaman mo ang araw-araw na pagpapanariwa, ang proteksyon at pag-ibig ni Jesus; magagabayan ka sa daan ng kapayapaan. KDB 215.3

Masdan ang mga maluwalhating bagay ng Diyos sa kalikasan, at hayaang magpasalamat ang iyong puso sa Nagbigay. Sa aklat ng kalikasan ay mayroong kapaki-pakinabang na pag-aaral sa isipan. Huwag maging hindi mapagpasalamat at walang-ingat. Buksan ang mga mata ng iyong pang-unawa; tingnan ang magandang pagkakaisa sa mga batas ng Diyos sa kalikasan, at humanga, at igalang ang iyong Manlalalang, ang kataas-taasang Pinuno ng langit at lupa.—Messages to Young People, pp. 409, 410. KDB 215.4

Kung pag-aaralan ng mga kabataan ang maluwalhating mga gawa ng Diyos sa kalikasan, at ang Kanyang kamahalan at kapangyarihan tulad ng naihayag sa Kanyang Salita, sila ay dadaan sa bawat ganoong paggamit na may mga kakayahang pinasigla at inangat. Ang kalakasan ay matatanggap, na walang pagmamayabang. Sa pamamagitan ng pagninilay ng mga kamangha-mangha ng banal na kapangyarihan, matututunan ng kaisipan ang pinakamahirap ngunit pinaka-kapaki-pakinabang sa lahat ng mga aralin, na ang karunungan ng tao, malibang nauugnay sa Walang Hanggan at pinabanal ng biyaya ni Cristo, ay kahangalan.—Ibid., p. 253. KDB 215.5

Kung matapat nating pinag-aaralan ang aklat ng kalikasan, masusumpungan natin ito bilang isang mabungang mapagkukunan para sa pagmumuni-muni ng walang katapusang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos.— Ibid., pp. 365, 366. KDB 215.6