Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

207/376

Naalala sa Gabi ang Iyong Pangalan, Hulyo 20

Ang iyong mga tuntunin ay naging aking mga awit sa bahay ng aking paglalakbay. O PANGINOON, aking naalala sa gabi ang iyong pangalan, at sinunod ko ang iyong kautusan. Awit 119:54, 55. KDB 213.1

Ang mga mensahero ng Diyos ay dapat magtiyaga kasama Siya, kung gusto nilang magtagumpay sa kanilang gawain. May kuwentong inilahad tungkol sa isang matandang babaeng Lancashire na nakikinig sa mga dahilang ibinigay ng kanyang mga kapitbahay sa tagumpay ng kanilang ministro. Sinabi nila ang kanyang mga kaloob, ang kanyang estilo ng pananalita, kanyang mga gawi. “Hindi,” wika ng matandang babae, “sasabihin ko sa inyo kung ano ito. Ang inyong lalaki ay napakalapit sa Makapangyarihan.” KDB 213.2

Kapag ang mga tao ay kasing tapat ni Elias at nagtataglay ng pananampalatayang mayroon siya, ipahahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili gaya ng Kanyang ginawa noon. Kapag nakiusap ang mga tao sa Panginoon tulad ng ginawa ni Jacob, ang mga resultang nakita noon ay makikitang muli. Darating ang kapangyarihan mula sa Diyos bilang kasagutan sa panalangin ng pananampalataya. . . . KDB 213.3

Gustung-gusto ng Tagapagligtas ang pag-iisa sa bundok kung saan Siya makikipag-usap sa Ama. KDB 213.4

Taimtim Siyang gumagawa sa buong araw para iligtas ang mga tao sa pagkawasak. Nagpagaling Siya ng maysakit, nag-aliw sa nagdadalamhati, bumuhay ng patay, at nagdala ng pag-asa at kasiyahan sa mga may kapighatian. Pagkatapos na ang Kanyang paggawa sa araw ay matapos, Siya'y lumalabas, gabi-gabi, malayo sa kalituhan ng lunsod, at yumukod sa panalangin sa kanyang Ama. Madalas Niyang ipinagpapatuloy ang Kanyang mga pananalangin sa buong gabi; ngunit nagmula Siya mula sa mga panahong ito ng komunyon na napalakas at napanariwa, pinatatag para sa tungkulin at pagsubok.— GOSPEL WORKERS, pp. 255, 256. KDB 213.5

Ang mahina at makasalanang tao ay may pribilehiyong makipag-usap sa kanyang Manlilikha. Maaari tayong bumigkas ng mga salitang aabot sa trono ng Monarka ng sansinukob. Maaari tayong makipag-usap kay Jesus sa ating paglalakad sa daan, at sinasabi Niyang, Ako'y nasa iyong kanang kamay.— Ibid., p. 258. KDB 213.6