Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

206/376

Ako'y Magbubulay-bulay sa mga Tuntunin Mo, Hulyo 19

Ako'y magbubulay-bulay sa mga tuntunin mo, at igagalang ang mga daan mo. Ako'y magagalak sa iyong mga tuntunin; hindi ko kalilimutan ang iyong salita. Awit 119:15, 16. KDB 212.1

Ang mga kaisipan at pagbubulay-bulay sa kabutihan ng Diyos sa atin ay magsasara ng mga daanan ng kaluluwa sa mga mungkahi ni Satanas. Araw-araw na napatutunayan ang pag-ibig ng Diyos sa atin; ngunit hindi natin pinahahalagahan ang Kanyang mga pabor at tayo'y manhid sa Kanyang mga pakiusap. Hinahangad Niyang ikintal sa atin ang Kanyang Espiritu ng pagkamalumanay, ang Kanyang pag-ibig at pagtitiis; ngunit halos hindi natin kinikilala ang mga tanda ng Kanyang kabaitan, at may kaunting pagkadama sa pag-ibig na nais Niyang matutunan natin. Ang ilan, gaya ni Haman, ay nakalimot sa lahat ng pabor ng Diyos, dahil nasa harap nila si Mordecai at hindi napahiya; dahil ang kanilang mga puso ay puno ng alitan at poot, sa halip na pag-ibig, ang Espiritu ng ating mahal na Manunubos, na nagbigay ng Kanyang mahalagang buhay sa Kanyang mga kaaway. KDB 212.2

Ipinahahayag nating mayroon tayong parehong Ama, na nakatali sa parehong walang-hanggang tahanan, upang tamasahin ang parehong taimtim na pananampalataya, at manampalataya sa parehong sumusubok na mensahe; subalit marami pa ang nakikipag-away sa isa't isa na parang mga batang palaaway. Ang ilang nakikibahagi sa parehong sangay ng gawain ay may di- pagkakasundo sa isa't isa at samakatuwid ay may di-pagkakasundo sa Espiritu ni Cristo.— Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 222, 223. KDB 212.3

Hayaang kunin ng mag-aaral ang Biblia bilang gabay, at tumayong tulad ng isang bato sa prinsipyo, at maaari niyang hangarin ang anumang taas ng tagumpay. Ang lahat ng mga pilosopiya ng kalikasan ng tao ay nagdala sa pagkalito at kahihiyan kapag hindi kinilala ang Diyos bilang lahat-lahat. Ngunit ang mahalagang pananampalatayang kinasihan ng Diyos ay nagbibigay lakas at karangalan ng pagkatao. Sa pananahan sa Kanyang kabutihan, awa, at pag-ibig, mas magiging malinaw pa ang pang-unawa sa katotohanan; mas mataas, at mas banal, ang pagnanais para sa kadalisayan ng puso at kalinawan ng pag-iisip.— Ibid., vol. 8, p. 322. KDB 212.4