Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Magbulay-bulay sa Iyong Sariling Puso, Hulyo 18
Magalit ka, subalit huwag kang magkakasala; magbulay-bulay ka ng iyong puso sa iyong higaan, at tumahimik ka. Awit 4:4. KDB 211.1
Malapitang suriin ang iyong sariling puso, at ang estado ng iyong pagmamahal sa Diyos. Magtanong, Naitalaga ko ba ang mahahalagang sandali ngayon sa paghahangad na masiyahan ang aking sarili, sa paghahangad para sa aking sariling libangan? O napasaya ko ba ang iba? Nakatulong ba ako sa mga may kaugnayan sa akin para sa higit na debosyon sa Diyos at sa pagpapahalaga ng mga walang-hanggang bagay? Nadala ko ba ang aking relihiyon sa aking tahanan, at doon ipinahayag ang biyaya ni Cristo sa aking mga salita at sa aking kilos? Sa aking magalang na pagsunod, nasunod ko ba ang aking mga magulang, at sa gayon ay tinupad ang ikalimang utos? Masaya ko bang ginampanan ang aking maliliit at pang-araw-araw na mga tungkulin, na ginagampanan ang mga ito nang may katapatan, na ginagawa ang magagawa ko para mapagaan ang pasanin ng iba? Naingatan ko ba ang aking mga labi sa kasamaan, at ang aking dila mula sa pagsasalita ng pandaraya? Naparangalan ko ba si Cristo na aking Manunubos, na nagbigay ng Kanyang mahalagang buhay upang maabot ko ang buhay na walang hanggan? . . . KDB 211.2
Maging masigasig at nakatalaga. Ipahayag ang pangako ng Diyos, at maniwala nang walang pag-aalinlangan. Huwag maghintay na makaramdam ng mga espesyal na emosyon bago mo isiping sumasagot ang Panginoon. Huwag markahan ang ilang mga partikular na paraan na ang Diyos ay dapat gumawa para sa iyo bago ka maniwalang natanggap mo ang mga bagay na hiniling mo sa Kanya; ngunit magtiwala sa Kanyang salita, at iwan ang buong bagay sa mga kamay ng Panginoon, na may buong pananampalataya na ang iyong panalangin ay kikilalanin, at darating ang kasagutan sa mismong oras at sa mismong paraan na nakikita ng Ama na mabuti para sa iyo; at isabuhay ang iyong mga panalangin. Mapagkumbabang lumakad at magpatuloy sa pagsulong.— Messages to Young People, pp. 122, 123. KDB 211.3