Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

204/376

Kasama Ko sa Gabi ang Kanyang Awit, Hulyo 17

Kapag araw ay inuutusan ng PANGINOON ang kanyang tapat na pag-ibig, at sa gabi ay kasama ko ang kanyang awit, isang panalangin sa Diyos ng aking buhay. Awit 42:8. KDB 210.1

Kung naibigay mo ang iyong sarili sa Diyos, para gawin ang Kanyang gawain, hindi mo na kailangang mabalisa sa kinabukasan. Siya na pinaglilingkuran mo ay alam ang wakas mula sa pasimula. Ang mga kaganapan ng kinabukasan, na lingid sa iyong paningin, ay bukas sa mga mata Niyang makapangyarihan sa lahat.—Thoughts From the Mount of Blessing, p. 100. KDB 210.2

Ang pag-aalala ay bulag, at hindi nakauunawa ng hinaharap; ngunit nakikita ni Jesus ang katapusan mula sa simula. Sa bawat kahirapan ay naghanda Siya upang makapagbigay ng kaginhawaan.— The Desire of Ages, p. 330. KDB 210.3

Tulad ng pamamahinga ni Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya sa pangangalaga ng Ama, gayundin tayo dapat mamahinga sa pangangalaga ng ating Tagapagligtas. Kung nagtiwala noon ang mga alagad sa Kanya, mapananatili sana silang payapa. . . . Gaano kadalas na ang karanasan ng mga alagad ay gaya ng sa atin! Kapag ang mga bagyo ng tukso ay nagtipon, at kumislap ang mabangis na mga kidlat, at sumaklaw sa atin ang mga alon, nakikipaglaban tayo sa bagyo na mag-isa, kinalilimutang mayroong Isang makatutulong sa atin. Nagtitiwala tayo sa ating mga sariling lakas hanggang sa mawala ang ating pag-asa, at tayo'y handa ng mapahamak. Pagkatapos ay naaalala natin si Jesus, at kung tatawag tayo sa Kanya upang iligtas tayo, hindi tayo iiyak nang walang kabuluhan.— Ibid., p. 336. KDB 210.4

Tayo ay susubukan at susuriin; maaari tayong tawagang magpuyat; ngunit gugulin ang ganitong mga panahon sa taimtim na pananalangin sa Diyos, upang Siya'y magbigay ng pang-unawa, at buhayin ang isipan para makilala ang mga pribilehiyong sa atin.— Messages to Young People, p. 26. KDB 210.5

Ang kaluluwang nananahan sa dalisay na kapaligiran ng banal na pag-iisip ay mababago sa pakikipagniig sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Banal na Kasulatan—Christ’s Object Lessons, p. 60. KDB 210.6