Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Mapalad ang Bumabasa, Hulyo 16
Mapalad ang bumabasa at ang nakikinig ng mga salita ng propesiya at tumutupad ng mga bagay na nasusulat dito, sapagkat ang panahon ay malapit na. Apocalipsis 1:3. KDB 209.1
Kapag nagising ang isang tunay na kahiligan sa Biblia, at nagsimulang mapagtanto ng mag-aaral kung gaano kalawak ang parang at kung gaano kahalaga ang kayamanan nito, gugustuhin niyang samantalahin ang bawat pagkakataon para kilalanin ang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral nito ay di-limitado sa espesyal na oras o lugar. At ang patuloy na pag-aaral na ito ay isa sa pinakamahusay na paraan ng paglinang ng isang pag-ibig ss Banal na Kasulatan. Palaging dalhin ng mag-aaral ang kanyang Biblia. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, magbasa ng isang teksto at pagnilayan ito. Habang naglalakad sa mga kalye, naghihintay sa isang istasyon ng tren, naghihintay sa pakikipagtagpo, pagbutihin ang pagkakataon na makapagtamo ng ilang mahahalagang kaisipan mula sa imbakang-yaman ng katotohanan. KDB 209.2
Ang mga dakilang nag-uudyok na kapangyarihan ng kaluluwa ay ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig; at sa pamamagitan ng mga ito pumupukaw ang pag-aaral ng Biblia kapag tamang isinagawa. Ang panlabas na kagandahan ng Biblia, ang kagandahan ng matalinghagang paglalarawan at kapahayagan, ay kalagayan lamang gaya nang dati, para sa tunay nitong kayamanan—ang kagandahan ng kabanalan. Sa talaan nito ng mga taong lumakad kasama ng Diyos, maaari tayong makasulyap ng Kanyang kaluwalhatian. Siyang “kaibig-ibig sa kabuuan” ay makikita natin, na ang lahat ng kagandahan ng lupa at langit kung ikukumpara ay isa lamang malabong aninag. . . . Sa pagtingin ng mag-aaral ng Biblia sa Manunubos, napupukaw sa kaluluwa ang mahiwagang kapangyarihan ng pananampalataya, pagsamba, at pag-ibig. Sa paningin kay Cristo, ang mgs mata ay nakatuon, at ang tumitingin ay lumalago sa pagkakahawig sa kanyang sinasamba. . . . KDB 209.3
Ang mga bukal ng makalangit na kapayapaan at kagalakan na hindi natatago sa kaluluwa sa pamamagitan ng mga salita ng Inspirasyon ay magiging isang makapangyarihang ilog ng impluwensiya para pagpalain ang lahat ng maaabot nito.— EDUCATION, pp. 191, 192. KDB 209.4