Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

200/376

Ang Lihim na Panalangin Ay Masasagot, Hulyo 13

Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim ay gagantimpalaan ka. Mateo 6:6. KDB 206.1

Ang pampamilyang panalangin at pampublikong panalangin ay mayroong lugar; ngunit ang lihim na pakikipagniig sa Diyos ang nagpapanatili ng buhay ng kaluluwa. Ito'y sa bundok kasama ng Diyos nakita ni Moises ang huwaran ng kamangha-manghang gusaling iyon na siyang tinatahanang dako ng Kanyang kaluwalhatian. Ito'y sa bundok kasama ng Diyos—ang lihim na lugar ng pakikipagniig—dapat nating pagnilay-nilayan ang Kanyang maluwalhating mithiin para sa sangkatauhan. Sa gayon tayo ay matutulungang hubugin ang ating pagbubuo ng karakter na sa atin ay maaaring matupad ang pangakong, “Ako'y mananahan sa kanila, at lalakad sa gitna nila, ako'y magiging kanilang Diyos, at sila'y magiging aking bayan.” KDB 206.2

Habang ginagawa ang ating pang-araw-araw na gawain, dapat nating iangat ang kaluluwa sa langit sa pananalangin. Ang mga tahimik na kahilingang ito'y umaangat gaya ng insenso sa harapan ng trono ng biyaya; at natataranta ang kaaway. Ang Cristianong may pusong nananatili sa Diyos ay hindi magagapi. Walang kasamaan o gawang sining ang makasisira sa kanyang kapayapaan. Lahat ng mga pangako ng Salita ng Diyos, lahat ng kapangyarihan ng banal na biyaya, lahat ng mga mapagkukunan ni Jehova, ay ipinangako para siguruhin ang kanyang kaligtasan.— Gospel Workers, p. 254. KDB 206.3

Binabasa ng Diyos ang mga nakatagong saloobin. Maaaring manalangin nang lihim, at Siyang nakakikita nang lihim ay makikinig, at magbibigay-gantimpala sa atin nang hayagan.— Messages to Young People, p. 247. KDB 206.4

Dapat palagian ang ating lihim na panalangin. Si Cristo ang puno ng ubas, tayo ang mga sanga. At kung nais nating tumubo at umunlad, dapat tayong patuloy na kumuha ng katas at pagkain mula sa Buhay na Puno; dahil kung hiwalay sa Puno ng Ubas, wala tayong lakas. . . . lunat ang iyong mga kahilingan sa trono, at kumapit sa pamamagitan ng matibay na pananampalataya. Ang mga pangako ay sigurado.— Early Writings, p. 73. KDB 206.5