Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

195/376

Bibigyang Katarungan ng Diyos ang Kanyang mga Pinili, Hulyo 8

At hindi ba bibigyan ng Diyos ng katarungan ang kanyang mga pinili na sumisigaw sa kanya araw at gabi. Kanya bang matitiis sila? Sinasabi ko sa inyo, mabilis niyang bibigyan sila ng katarungan. Gayunman, pagparito ng Anak ng Tao, makakatagpo kaya siya ng pananampalataya sa lupa? Lucas 18:7, 8. KDB 201.1

Sa lahat ng panahon, gumawa ang Diyos sa pamamagitan ng mga banal na anghel para sa pagsaklolo at pagliligtas ng Kanyang bayan. Aktibong nakikibahagi ang mga makalangit na nilalang sa mga gawain ng mga tao. Sila'y lumitaw na nakadamit ng mga kasuotang nagniningning na parang kidlat; sila'y dumating na parang mga tao, sa kasuotan ng mga manlalakbay. Ang mga anghel ay nagpakita sa anyong tao sa mga tao ng Diyos. Nagpahinga sila, na parang pagod, sa ilalim ng mga puno ng ensina sa katanghalian. Tinanggap nila ang mga mabuting pakikitungo ng mga tahanan ng tao. Kumilos sila bilang mga patnubay sa mga mangmang na manlalakbay. Sinindihan nila, gamit ang kanilang sariling mga kamay, ang mga apoy ng altar. Binuksan nila ang mga pintuan ng bilangguan, at pinalaya ang mga lingkod ng Panginoon. Suot ang kalasag ng langit, dumating sila upang igulong palayo ang bato mula sa libingan ng Tagapagligtas.—The Great Controversy, p. 631. KDB 201.2

Ang mahal na Tagapagligtas ay magpapadala ng tulong sa oras na kailangan natin ito. Ang daan tungo sa langit ay inilaan ng Kanyang mga yapak. Bawat tinik na sumusugat sa ating mga paa ay sumugat sa Kanya. Bawat krus na tayo'y tinawagan para pasanin, Kanyang pinasan sa harap natin. KDB 201.3

Pinapayagan ng Panginoon ang mga salungatan, para ihanda ang kaluluwa sa kapayapaan. Ang oras ng kaguluhan ay isang nakatatakot na pagsubok sa bayan ng Diyos; ngunit panahon na para sa bawat tunay na mananampalataya na tumingin sa taas, at sa pamamagitan ng pananampalataya ay maaari niyang makita ang bahaghari ng pangakong pumapalibot sa kanya.— Ibid., p. 633. KDB 201.4

Hatinggabi nang ipinakita ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan para sa kaligtasan ng Kanyang bayan Sa gitna ng galit na kalangitan ay isang malinaw na espasyo ng di-mailarawan na kaluwalhatian, kung saan nanggaling ang tinig ng Diyos na gaya ng tunog ng mga tubig, na nagsasabing, “Tapos na.”— Ibid., p. 636. KDB 201.5