Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

190/376

Tatanggapin ng Diyos, Hulyo 3

At ang tao'y nananalangin sa Diyos, at siya'y kanyang tinatanggap, siya'y lumalapit sa kanyang harapan na mayroong galak, at gagantihin ng Diyos dahil sa kanyang katuwiran. Job 33:26. KDB 196.1

Walang sigaw mula sa isang kaluluwang nangangailangan, bagaman nagkukulang sa tamang pagsasalita, ang hindi pakikinggan. Silang pumasok sa tipanang relasyon sa Diyos ng langit ay hindi iniiwan sa kapangyarihan ni Satanas o sa kahinaan ng kanilang sariling kalikasan.—The Desire of Ages, pp. 258, 259. KDB 196.2

Kakaunti lamang ang wastong nagpapahalaga o nagpabubuti ng mahalagang pribilehiyo ng pananalangin. Dapat tayong magpunta kay Jesus at sabihin sa Kanya ang lahat ng ating mga pangangailangan. Maaari nating dalhin sa Kanya ang ating maliliit na alalahanin at kagulumihanan pati na rin ang ating mas malalaking kabalisahan. Anumang babangon para gumambala o lumigalig sa atin, dapat natin itong dalhin sa Panginoon sa panalangin. Kapag naramdaman nating kailangan natin ang presensya ni Cristo sa bawat hakbang, magkakaroon si Satanas ng kaunting pagkakataon na maipasok ang kanyang mga tukso. Ito ay kanyang pinag-aralang mabuti na ilayo tayo sa ating pinakamabuti at pinaka- nakikiramay na kaibigan. Wala tayong ibang dapat saligan maliban kay Jesus. Maaari nating sabihin sa Kanya ang lahat ng nasa ating mga puso.— Testimonies for the Church, vol. 5, pp. 200, 201. KDB 196.3

Bawat taos-pusong panalangin ay naririnig sa langit. Hindi man ito malinaw na naipahayag; ngunit kapag ito ay mula sa puso, aakyat ito sa santuwaryo kung saan naglilingkod si Jesus, at ihaharap Niya ito sa Ama na wala kahit isang nahihiya at nauutal na salita, kundi maganda at mabango na may insenso ng Kanyang sariling kasakdalan.— The Desire of Ages, p. 667. KDB 196.4

Kung pagkakatiwalaan lamang natin ang Panginoon sa Kanyang salita, anong mga pagpapala ang maaaring mapasaatin! Kailangan natin ng mas taimtim at epektibong panalangin. Si Cristo ang magiging katulong ng lahat ng naghahanap sa Kanya na may pananampalataya.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 202. KDB 196.5