Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

174/376

Nagpapatuloy Tungo sa Mithiin, Hunyo 17

Mga kapatid, hindi ko pa inaaring naabot ko na, ngunit isang bagay ang ginagawa ko, nililimot ko ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, nagpapatuloy ako tungo sa mithiin para sa gantimpala ng dakilang pagtawag ng Diyos kay Cristo Jesus. Filipos 3:13, 14. KDB 179.1

Ang mga makalangit na kaisipan ay gagawa kasama ang ahensya ng taong nagsusumikap na may determinadong pananampalataya para sa kadalisayan ng karakter na hahantong sa kadalisayang isinasabuhay. Sa bawat isang nasasangkot sa gawaing ito sinasabi ni Cristo, “Nasa kanang kamay ninyo Ako na handang tumulong sa inyo.” Samantalang nakikipagtulungan ang kalooban ng tao sa kalooban ng Diyos, ito'y nagiging lubos na makapangyarihan. Anuman ang kailangang gawin sa Kanyang iniuutos, ay maaaring maisakatuparan sa Kanyang kalakasan. Pagbibigay kakayanan ang lahat ng Kanyang utos.— Christ’s Object Lessons, pp. 332, 333. KDB 179.2

Simula sa umaga ng buhay, na kontrolado ng mga batas ng kalikasan at ng Diyos, patuloy na kumikilos ang Cristiano pasulong at pataas, na palapit sa bawat araw sa kanyang makalangit na tahanan, kung saan naghihintay para sa kanya ang isang putong ng buhay, at isang bagong pangalan, “na walang nakakaalam kundi ang tumatanggap.” Patuloy siyang lumalago sa kasiyahan, sa kabanalan, sa kapakinabangan. Ang paglago sa bawat taon ay hinigitan ang sa nakalipas na taon. KDB 179.3

Binigyan ng Diyos ang kabataan ng isang hagdanang kailangang akyatin, isang hagdanang nakaaabot sa kalangitan. Nasa ibabaw ng hagdanang ito ang Diyos, at lumalapag sa bawat hakbang ang maliliwanag na sinag ng Kanyang kaluwalhatian. Binabantayan Niya silang umaakyat, na nakahandang magpadala ng tulong kapag humihina ang pagkakahawak at nadadapa ang paghakbang. Oo, sabihin mo sa mga salitang puno ng kaaliwan, na walang matiyagang umaakyat sa hagdanan ang mabibigong magkamit ng pagpasok sa makalangit na lunsod. KDB 179.4

Maraming iniaalok na tukso si Satanas sa mga kabataan. Nilalaro niya ang laro ng buhay para sa kanilang mga kaluluwa, at wala siyang pinalalagpas na paraan upang akitin at ipahamak sila.— Messages to Young People, p. 95. KDB 179.5