Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

16/376

Dapat Nating Naising Makilala Siya, Enero 15

Sapagkat nalulugod ako sa katapatan, kaysa alay, ng pagkakilala sa Diyos kaysa mga handog na sinusunog. Hoseas 6:6. KDB 21.1

Wala dapat tayong sayanging panahon. Hindi natin alam kung kailan matatapos ang panahong ibinigay sa atin. Sa pinakamahaba, tayo ay may maiksing panahon para mabuhay rito, at hindi natin nalalaman kung kailan ang pana ng kamatayan ay tatama sa ating mga puso. Hindi natin alam kung kailan tayo tatawagin para bitawan ang sanlibutan at lahat ng mga bagay nito. Ang walang hanggan ay inilalatag sa harapan natin. Ang kurtina ay malapit ng iangat. Ngunit sa ilang maikling mga taon, at para sa lahat ngayon na ibinilang kasama ng mga buhay ang utos ay ibibigay: “Ang masama ay hayaang magpakasama pa at ang marumi ay hayaang magpakarumi pa, at ang matuwid ay hayaang maging matuwid pa, at ang banal ay hayaang magpakabanal pa.” KDB 21.2

Handa ba tayo? Tayo ba ay naging malapit sa Diyos, ang Gobernador ng Langit, ang Tagapagbigay ng kautusan, at kasama si Cristo Jesus na Kanyang sinugo sa sanlibutan bilang Kanyang kinatawan? Kapag ang ating gawain sa buhay ay nagtapos na, masasabi ba natin, gaya ng ginawa ni Cristo na ating halimbawa: “Niluwalhati kita sa lupa, sa pagtatapos ko ng gawaing ibinigay mo sa akin. . . . Ipinahayag ko ang iyong pangalan”? KDB 21.3

Ang mga anghel ng Diyos ay nagsisikap na tayo ay maakit mula sa ating mgs sarili at sa mga bagay na makalupa. Huwag hayaang maging walang kabuluhan ang kanilang gawa . . . Ang mga isipan ay dapat nakasentro sa Diyos. Ating dapat pagsikapan na mapagtagumpayan ang masasamang hilig ng ating natural na puso. Ang ating mga pagsisikap, ang ating pagtanggi sa sarili at pagtitiyaga, ay dapat kaayon sa sukat ng malaking halaga ng bagay na ating pinagsisikapan. Tanging sa pagtatagumpay sa kung paanong si Cristo ay nagtagumpay na ating matatamo ang korona ng buhay.— The Ministry of Healing, pp. 454, 455. KDB 21.4

Ang pagkakilala sa Diyos sa kung paano Siya ipinahahayag sa Kanyang Salita ay ang kaalamang kailangang ibigay sa ating mga anak. . . . Hayaan ang Salita ng Diyos na gawin ng mga kabataan bilang pagkain ng isip at kaluluwa.— Ibid., p. 460. KDB 21.5