Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

148/366

Banal na Tulong sa Pagganap sa Gawaing Samaritano, Mayo 27

“Subalit ang isang Samaritano, sa kanyang paglalakbay ay dumating sa kanyang kinaroroonan; at nang kanyang makita ang taong iyon, siya ay nahabag. Kanyang nilapitan siya at tinalian ang kanyang mga sugat pagkatapos buhusan ng langis at alak. Pagkatapos isakay sa kanyang sariling hayop, siya ay dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan.” Lucas 10:33, 34. TKK 157.1

Ipinakita sa akin na ang gawaing medical missionary ay makakatuklas, sa pinakakailaliman ng makasalanang kalagayan, ng mga lalaking dating nagtataglay ng mga mahusay na pag-iisip at pinakamayamang kakayahan, na maililigtas, sa pamamagitan ng maayos na paggawa, mula sa kanilang kalagayang nagkasala. Dapat na iharap sa mga kaisipan ng mga tao ang katotohanan kay Jesus pagkatapos nilang mapangalagaan sa paraang may simpatya at mabigyan ang kanilang mga pangangailangang pisikal. Gumagawa at nakikipagtulungan ang Banal na Espiritu sa mga tao na naglilingkod sa mga ganitong kaluluwa, at tatanggapin ng ilan ang pundasyong nakatayo sa bato para sa kanilang pananampalatayang relihiyoso. TKK 157.2

Hindi dapat magkaroon ng nakakagulat na pagtatalastas ng kakaibang doktrina sa mga taong minamahal at kinahahabagan ng Diyos; ngunit habang tinutulungan sila sa pisikal ng mga manggagawang medical missionary , nakikipagtulungan ang Banal na Espiritu sa ministro upang gisingin ang mga kapangyarihang moral. Ginigising ang mga kapangyarihang mental, at ang mga kawawang kaluluwang ito, marami sa kanila, ay maliligtas sa kaharian ng Diyos. TKK 157.3

Walang makapagbibigay ng karakter sa gawain ng paglalahad ng katotohanan upang tulungan ang mga tao saanman sila naroon nang kasinghusay ng gawaing Samaritano. Ang gawaing maayos na isinagawa upang magligtas ng mga kawawang makasalanan na nilagpasan ng iglesya ay magiging paraan para makapasok ang katotohanan. Kailangang maitatag sa kalagitnaan natin bilang isang bayan ang kakaibang kaayusan, at habang ginagampanan ang gawaing ito, makakagawa ng kakaibang kaligiran sa paligid ng mga kaluluwa ng mga manggagawa; sapagkat nakikipagtalastasan ang Banal na Espiritu sa lahat ng naglilingkod sa Diyos, at silang tinatrabaho ng Banal na Espiritu ay magiging kapangyarihan para sa Diyos sa pag-aangat, pagpapalakas, at pagliligtas sa mga kaluluwang nakahanda nang mamatay.— WELFARE MINISTRY, pp. 131,132. TKK 157.4