Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Kasama ang mga Nakatalagang mga Lalaki at Babae, Mayo 26
Sapagkat tingnan ninyo ang inyong pagkatawag, mga kapatid: kakaunti sa inyo ang matatalino ayon sa pamantayan ng tao, hindi marami ang makapangyarihan, hindi marami ang isinilang na marangal. 1 Corinto 1:26. TKK 156.1
Hindi mapupunuan ng lahat ang magkakatulad na lugar; ngunit ang bawat isa na nagsusuko ng kanyang sarili sa nagtatalagang impluwensiya ng Banal na Espiritu ay mapapasailalim ng kontrol ni Cristo, at gumawa ang Diyos ng ganap na mapagkukunan para sa mga nakatalagang mga lalaki at babae. Ipagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan at instrumento. Hindi lamang ang pinakamaraming talento, hindi lamang silang nasa matataas na posisyon ng pagtitiwala, o iyong may pinakamataas na pinag-aralan ang gagamitin ng Panginoon sa gawain ng pagliligtas ng kaluluwa. Gagamitin Niya ang marami na nagkaroon ng kakaunting pagkakataon. Sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan, dadalhin Niya silang nagmamay-ari ng mga kagamitan at lupa sa paniniwala sa katotohanan; at magiging katulong ng Diyos ang mga ito sa pagpapasulong ng Kanyang gawain. Hindi palaging iyong pinakamagaling na talento ang nakakagawa ng pinakamarami para sa Diyos. Makapagsasalita ang Panginoon sa pamamagitan ninuman na nakatalaga sa Kanyang paglilingkod. TKK 156.2
Kapag nauunawaan natin ang espiritu ng mensahe na magdadala sa mga kaluluwa na pumili sa pagitan ng buhay at kamatayan, makakakita tayo ng gawaing gagampanan na hindi natin inaakala. Minsang mapahintulutang mahawakan ang mga lalaki at babae, bata at matanda, ng espiritu ng misyonero, at makakakita tayo ng marami na humahayo sa malawak na daan at sa mga halamang-bakod, at inuudyukan ang tapat na pumasok. TKK 156.3
Hayaang maalala nilang gumagawa para sa mga kaluluwa na naipangako silang makipagtulungan kay Cristo, na tutupad sa Kanyang mga tagubilin, na susunod sa Kanyang gabay. Araw-araw silang dapat na humingi at tumanggap ng kapangyarihan mula sa itaas. Dapat nilang ingatan ang nananatiling pagkadama para sa pagmamahal ng Tagapagligtas, ng Kanyang kagalingan, ng Kanyang pagbabantay, ng Kanyang kabaitan. Dapat silang tumingin sa Kanya bilang pastol at apostol ng kanilang kaluluwa. Tataglayin nila ang simpatya at tulong ng mga makalangit na anghel. Magiging katuwaan at putong ng pagdiriwang nila si Cristo. Makukontrol ng Banal na Espiritu ang kanilang mga puso. Hahayo sila na nararamtan ng banal na kasigasigan, at sasamahan ang kanilang mga pagsisikap ng kapangyarihan na angkop sa kahalagahan ng mensahe na kanilang ipinapahayag.—REVIEW AND HERALD, October 27,1910. TKK 156.4