Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

140/366

Gumagawa ng mga Nananatiling Impresyon sa Pamamagitan ng Kanbaser, Mayo 19

“Napakaganda sa mga bundok ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Zion,’ Ang iyong Diyos ay naghahari!’ ” Isaias 52:7, TKK 149.1

Mas maraming magagawa ang mapagpakumbaba at maalab na panalangin para sa pagpapangalat ng ating mga aklat kaysa sa lahat ng mamahaling mga larawan sa sanlibutan. Kung ibabaling ng mga manggagawa ang kanilang pansin doon sa tunay at nabubuhay at totoo; kung mananalangin sila, maniniwala, at magtitiwala sa Banal na Espiritu, mabubuhos ito sa kanila sa malalakas at makalangit na agos, at magagawa ang mga matuwid at nananatiling mga impresyon sa puso ng tao. Pagkatapos ay manalangin kayo at gumawa, at gumawa at manalangin, at gagawa ang Panginoon para sa inyo. TKK 149.2

Mayroong tiyak at palagiang pangangailangan ang bawat kanbaser para sa tulong ng mga anghel; dahil mayroon siyang mahalagang gawain na kailangang gampanan, isang gawaing hindi niya magagampanan sa sarili niyang lakas. Silang ipinanganak na muli, na nakahandang magpagabay sa Banal na Espiritu, na ginagawa sa pamamaraan ni Cristo iyong magagawa nila, silang gagawa na parang nakikita nila ang makalangit na sansinukob na nakatunghay sa kanila, ay sasamahan at tuturuan ng mga banal na anghel, na mangunguna sa kanila sa mga tahanan ng mga tao, na inihahanda ang daan para sa kanila.... TKK 149.3

Kapag nauunawaan ng mga tao ang kapanahunan na kinabubuhayan natin, gagawa sila sa paningin ng kalangitan. Hahawakan ng kanbaser ang mga aklat na ito na nagdadala ng liwanag at kalakasan sa kaluluwa. Iinumin niya ang espiritu ng mga aklat na ito, at ilalagay ang kanyang buong kaluluwa sa gawain ng paglalahad sa kanila sa mga tao. Ang kanyang lakas, tapang, at tagumpay ay nakasalalay sa kaganapan ng pagkakahabi sa kanyang sariling karanasan at pagpapaunlad sa kanyang karakter ng katotohanang nakalahad sa mga aklat. Kapag hinulma ang sarili niyang buhay sa ganitong paraan makakasulong siya na kinakatawan sa iba ang mga banal na katotohanang hinahawakan niya sa mga aklat na pinagsisikapan niyang mailagay sa mga tahanan. Hiningahan ng Espiritu ng Diyos, magkakaroon siya ng malalim at mayaman na karanasan, at bibigyan siya ng tagumpay sa gawain ng mga makalangit na anghel.- (AUSTRALASIAN) UNION CONFERENCE RECORD, May 1,1901. TKK 149.4