Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

138/366

Sabik na Tulungan ang mga Guro, Mayo 17

At nang makita siya sa may di-kalayuan ng mga anak ng mga propeta na nasa Jerico, ay kanilang sinabi, “Ang espiritu ni Elias ay na kay Eliseo,” Sila'y lumapit upang salubungin siya at nagpatirapa sa lupa sa harapan niya. 2 Hari 2:15. TKK 147.1

Dumating ang Banal na Espiritu sa mga paaralan ng mga propeta, na dinadala maging ang mga pag-iisip ng mga mag-aaral sa pagkasang-ayon sa kalooban ng Diyos. Nagkaroon ng buhay na ugnayan sa pagitan ng langit at sa mga paaralan na ito, at naipahayag ang kasiyahan at pagpapasalamat ng mga nagmamahal na mga puso sa mga awit ng papuri kung saan sumama ang mga anghel. Kung bubuksan ng mga guro ang kanilang mga puso upang tanggapin ang Espiritu, maihahanda sila na makipagtulungan dito sa paggawa para sa mga mag-aaral; at kapag binigyan ito ng kalayaan, magdudulot ito ng kamangha-manghang pagbabago. Gagawa ito sa bawat puso, na iwinawasto ang pagkamakasarili, hinuhulma at dinadalisay ang karakter, at dinadala ang bawat kaisipan sa pagkakabihag kay Cristo.... TKK 147.2

Imbes na mapigilan at maitulak paatras, dapat na tanggapin ang Banal na Espiritu, at inuudyukan ang presensiya nito. Kapag pinapabanal ng mga guro ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa Salita, bibigyan sila ng Banal na Espiritu ng mga pananaw ng mga makalangit na bagay. Kapag hinahanap nila ang Diyos na may pagpapakumbaba at pagkamasikap, ang mga salitang binigkas nila na may kalamigan ay mag-aalab sa kanilang mga puso; hindi na mananamlay ang katotohanan sa kanilang mga dila. TKK 147.3

Hindi tinatanggal sa atin ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos ang pangangailangan na gamitin ang ating mga kakayahan at talento, kundi tinuturuan tayo kung paano gamitin ang bawat kapangyarihan para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang mga kakayahan ng tao kapag nasa ilalim ng gabay ng biyaya ng Diyos ay magagawang magamit sa pinakamabuting layunin sa lupa. Hindi dinadagdagan ng kawalang kaalaman ang pagpapakumbaba o espiritwalidad ninumang nag-aangking tagasunod ni Cristo. Pinakamabuting mauunawaan ang mga katotohanan ng banal na salita ng isang Cristianong intelektuwal. Pinakamabuting maluluwalhati si Cristo nilang naglilingkod nang may katalinuhan. Ang dakilang layunin ng edukasyon na bigyan tayo ng kakayahan na gamitin ang mga kapangyarihang ibinigay ng Diyos sa paraang kakatawan sa relihiyon ng Biblia at magpapasulong kaluwalhatian ng Diyos.— NORTH PACIFIC UNION GLEANER, May 26,1909 . TKK 147.4