Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Tumutulong na Bumuo ng Karakter Para sa Langit, Mayo 15
“Kung mangyayari na ang aming Diyos na pinaglilingkuran namin ay makapagliligtas sa amin sa hurno ng nagniningas na apoy; ay hayaang iligtas Niya kami sa iyong kamay, O hari, Ngunit kung sakali mang hindi, dapat mong malaman, O hari, na hindi kami maglilingkod sa iyong mga diyos, ni sasamba man sa rebultong ginto na iyong ipinatayo” Daniel 3:17,18, TKK 145.1
Habang isinasagawa ng mga kabataang ito ang kanilang sariling kaligtasan, gumagawa ang Diyos sa kanila upang loobin at gawin ang Kanyang mabuting kalooban. Dito'y nahahayag ang mga kalagayan ng tagumpay. Upang gawing ating sarili ang biyaya ng Diyos, kailangan nating gawin ang ating bahagi. Hindi iminumungkahi ng Diyos na gawin para sa atin ang pagsasaloob at ang paggawa. Ibinigay ang Kanyang biyaya upang gumawa sa atin upang loobin at gawin, ngunit hindi bilang kapalit ng sarili nating pagsisikap. TKK 145.2
Kailangang gisingin at makipagtulungan ang ating kaluluwa. Gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob natin, upang gawin natin ang sarili nating kaligtasan. Ito ang praktikal na aralin na pinagsisikapan ng Banal na Espiritu na ituro sa atin. “sapagkat Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanais at sa paggawa, para sa Kanyang mabuting kalooban” (Filipos 2:13). TKK 145.3
Makikipagtulungan ang Panginoon sa lahat ng magsisikap na maging matapat sa Kanyang paglilingkod, kung paanong nakipagtulungan Siya kay Daniel at sa tatlo niyang kasamahan. Hindi bunga ng aksidente ang mga magagaling na kakayahang mental at mataas na punto ng moral na karakter. Nagbibigay ang Diyos ng mga pagkakataon; nakasalalay sa paggamit sa kanila ang tagumpay. Kailangang mabilis na makita at sabik na pasukin ang mga pagkakataong ibinibigay ng Diyos. Marami ang maaaring maging makapangyarihang lalaki, kung, kagaya ni Daniel, ay magtitiwala sila sa Diyos para sa biyaya na maging mananagumpay, at para sa kalakasan at kagalingan na gampanan ang kanilang gawain. TKK 145.4
Nangungusap ako sa inyo, mga kabataang lalaki: Maging matapat kayo. Ilagay ninyo ang inyong puso sa inyong gawain. Huwag ninyong tularan ang sinumang tamad, at iyong nagbibigay ng hating paglilingkod. Ang mga pagkilos na palaging inuulit ay bumubuo ng ugali, at ang ugali ng karakter. Matiyaga ninyong gampanan ang mga maliliit na tungkulin ng buhay. Habang pinapaliit ninyo ang halaga ng katapatan sa mga maliliit na tungkulin, hindi magiging katanggap-tanggap ang inyong pagbuo ng karakter. Sa paningin ng Makapangyarihang Diyos, mahalaga ang bawat tungkulin. Sinabi ng Panginoon, “Ang tapat sa kakaunti ay tapat din naman sa marami at ang di- tapat sa kakaunti ay di rin naman tapat sa marami” (Lucas 16:10). Sa buhay ng isang tunay na Kristiyano walang hindi kinakailangan.— MESSAGES TO YOUNG PEOPLE, pp. 147,148 . TKK 145.5