Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

135/366

Tumatanggap ang mga Kabataan ng Kapangyarihan Upang Maging Mananagumpay, Mayo 14

Ikaw ay magalak, O binata, sa iyong kabataan, at pasayahin ka ng iyong puso sa mga araw ng iyong kabataan; lumakad ka sa mga lakad ng iyong puso, at sa paningin ng iyong mga mata. Ngunit alamin mo na dahil sa lahat ng mga bagay na ito ay dadalhin ka ng Diyos sa paghuhukom. Eclesiastes 11:9. TKK 144.1

Sa pagpapasakop ng sarili sa Diyos, umaani tayo ng malaking pakinabang sapagkat kung mayroon tayong mga kahinaan ng karakter, gaya ng mayroon tayong lahat, isinasama natin ang ating sarili sa Kanya na makapangyarihan upang magligtas. Iuugnay ang ating kawalan ng kaalaman sa walang hanggang karunungan, ang ating kahinaan sa nananatiling kalakasan, at, kagaya ni Jacob, maaaring ang bawat isa sa atin ay maging prinsipe kasama ng Diyos. Nakaugnay sa Panginoong Diyos ng Israel, magkakaroon tayo ng kapangyarihan mula sa kaitaasan na makapagbibigay sa atin ng kakayahang maging mananagumpay; at sa pamamagitan ng pagbibigay ng banal na pag-ibig, makakahanap tayo ng pagpasok sa puso ng mga tao. Sa ganitong paraa'y maihahawak natin ang ating nanginginig na kamay sa trono ng Walang hanggan, at masasabi, “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo” (Genesis 32:26). TKK 144.2

Ibinibigay ang katiyakan na pagpapalain Niya tayo at gagawin tayong pagpapala; at ito ang ating liwanag, ating kasiyahan, ating tagumpay. Kapag nauunawaan ng mga kabataan kung ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng pabor at pag-ibig ng Diyos sa puso, magsisimula nilang makilala ang kahalagahan ng mga pakinabang nilang binili ng dugo, at itatalaga nila ang kanilang kakayahan sa Diyos, at magsisikap sa kanilang buong kapangyarihan na nagmula sa Diyos upang palakasin ang kanilang mga talento upang gamitin sa paglilingkod sa Panginoon. TKK 144.3

Ang pagkakaroon ng buhay na kaugnayan sa Diyos ang tanging kaligtasan para sa ating kabataan sa kapanahunang ito ng kasalanan at krimen. Kailangan nilang matutuhan kung paanong hanapin ang Diyos, upang mapuno sila ng Kanyang Banal na Espiritu, at kumilos na parang naunawaan nilang ang buong hukbo ng kalangitan ay nakatingin sa kanila na may nagmamalasakit na pagkabahala, na nakahandang maglingkod sa kanila sa panganib at sa panahon ng pangangailangan. Dapat na mabantayan ang kabataan sa pamamagitan ng babala at turo laban sa tukso. Dapat silang maturuan kung anong kalakasan ng loob ang para sa kanila sa Salita ng Diyos. Kailangang maging maliwanag sa kanilang harapan ang panganib ng paghakbang sa mga landas ng kasamaan. Kailangan silang maturuan na pahalagahan ang mga payo ng Diyos sa Kanyang mga banal na pabalita. Kailangan silang maturuan na kanilang itatalaga ang kanilang pasya laban sa kasamaan, at tiyaking hindi sila papasok sa anumang landas na hindi nila maaasahang sasamahan sila ni Jesus, at ng Kanyang pagpapala sa kanila.—REVIEW AND HERALD, November 21,1893. TKK 144.4