Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

270/366

Dorcas, Setyembre 26

Noon ay may isang alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabita, na sa Griyego ay Dorcas, Siya'y puspos ng mabubuting gawa at ng pagkakawanggawa, Mga Gawa 9:36, TKK 283.1

Sa Joppa, na malapit sa Lidda, mayroong isang babaeng nagngangalang Dorcas na ang mabubuting gawa ay ginawa siyang kaibig-ibig. . . . Puno ng mga gawa ng kabutihan ang kanyang buhay. Ang mahuhusay niyang mga daliri ay higit na aktibo kaysa kanyang pananalita. Alam niya ang nangangailangan ng komportableng damit at nangangailangan ng pagdamay, at malaya siyang naglilingkod sa mahihirap at puno ng kalungkutan. TKK 283.2

“Nang mga araw na iyon, siya'y nagkasakit at namatay” (Mga Gawa 9:37). Ang iglesya sa Joppa ay natanto ang kanilang kawalan. At sa pagtanaw sa buhay at paglilingkod na ipinamuhay ni Dorcas, hindi nakapagtataka na sila ay nagdalamhati, o ang mga mainit na patak ng luha ay tumulo sa walang buhay na luad. TKK 283.3

Nang marinig na nasa Joppa si Pedro, ang mananampalataya sa Joppa ay nagpadala sa kanya ng mga mensahero, “at ipinakiusap sa kanya, ‘Pumarito ka sa amin sa lalong madaling panahon’” (talatang 38). TKK 283.4

“Kaagad tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Pagdating niya, kanilang inihatid siya sa silid sa itaas. Lahat ng mga babaeng balo ay nakatayo sa kanyang tabi at umiiyak, at ipinapakita ang mga kasuotan at iba pang mga damit na ginawa ni Dorcas, noon siya'y kasama pa nila” (talatang 39). TKK 283.5

Ipinag-utos ni Pedo na ang mga umiiyak na mga kaibigan ay palabasin ng kwarto, at sa pagluhod, ay taimtim siyang nanalangin sa Diyos na muling isauli ang buhay at kalusugan ni Dorcas. Paglapit sa katawan, sinabi niyang, “‘Tabita, bumangon ka’ Iminulat niya ang kanyang mga mata, at nang makita niya si Pedro ay naupo siya” (talatang 40). TKK 283.6

Malaking tulong si Dorcas sa iglesya, at nakita ng Diyos na marapat siyang ibalik mula sa lupain ng kaaway, upang ang kanyang husay at lakas ay manatiling pagpapala sa iba, at upang sa pamamagitan ng pagpapakita ng Kanyang kapangyarihan, ay mapalakas ang gawain ni Cristo.— REVIEW AND HERALD, April 6,1911 . TKK 283.7