Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

269/366

Si Felipe na Diakono, Setyembre 25

Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka at makisakay sa karwaheng ito,” Kaya't tumakbo si Felipe doon, at kanyang narinig na binabasa niya si Isaias na propeta, at sinabi niya, “Nauunawaan mo ba ang binabasa mo?” Mga Gawa 8:29, 30. TKK 282.1

Ang Diyos ay tumitingin pababa mula sa Kanyang trono, at nagsusugo ng Kanyang mga anghel sa mundong ito upang makipagtulungan sa mga nagtuturo ng katotohanan. Basahin ang tala ng karanasan ni Felipe at ng eunoko. “Pagkatapos ay sinabi ng isang anghel ng Panginoon kay Felipe, ‘Tumindig ka at pumunta patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem patungong Gaza’ Ito'y isang ilang na daan. At tumindig nga siya at umalis. May isang lalaking taga-Etiopia, isang eunuko at tagapamahala ni Candace na reyna ng mga taga-Etiopia. Siya ang namamahala ng buong kayamanan ng reyna. Ang eunuko ay nagpunta sa Jerusalem upang sumamba. Siya'y pabalik na at nakaupo sa kanyang karwahe, binabasa niya ang propeta Isaias” (Mga Gawa 8:26-28). . . . TKK 282.2

Nagpapakita ang pangyayaring ito ng pagmamahal na mayroon ang Panginoon sa lahat ng isipang handang tumanggap ng katotohanan. Kita natin kung gaano kalapit ang paglilingkod ng mga banal na anghel sa ugnayan nito sa gawain ng mga lingkod ng Panginoon sa mundo. TKK 282.3

Ang pasanin ay naibigay kay Felipe para pasukin ang mga panibagong lugar, para buwagin ang sariwang lupa. Ang utos ay ibinigay sa kanya ng anghel na nagbabantay ng lahat ng pagkakataon para dalhin ang mga tao sa pakikipag-ugnayan sa kanilang kapwa tao. Sinugo si Felipe para “‘pumunta patungong timog, sa daang pababa mula sa Jerusalem patungong Gaza’ Ito'y isang ilang na daan” (talang 26). Nagdala ito sa kanya sa pakikipag-uganayan sa isang maimpluwensiyang tao, na kung mababago, ay ipapahayag sa iba ang liwanag ng katotohanan. Sa paggawa ng Panginoon sa pamamagitan ni Felipe, nakumbinse ang lalaki sa katotohanan, at nabago at nabautismuhan. Siya ay tagapakinig sa malaking daan, isang taong may mabuting katayuan, na magbibigay ng malakas na impluwensiya para sa katotohanan. TKK 282.4

Ngayon, gaya noon, naghihintay ang mga anghel ng langit na mag-akay ng mga tao sa kanilang kapwa tao. Ipinakita ng anghel kay Felipe kung saan hahanapin ang taong ito, na talagang handang tumanggap ng katotohanan, at ngayon ang mga anghel ng Diyos ay papatnubay sa mga hakbang niyaong mga manggagawang papayagan ang Banal na Espiritu na pakabanalin ang kanilang mga dila at dalisayin at padakilain ang kanilang mga puso.— REVIEW AND HERALD, April 20,1905 . TKK 282.5