Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Esteban, Setyembre 24
Si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. Mga Gawa 6:8. TKK 281.1
Napakaaktibo si Esteban sa gawain ng Diyos, at matapang na ipinahayag ang kanyang pananampalataya. “Ngunit tumayo ang ilan mula sa sinagoga, na tinatawag na Mga Pinalaya at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga-Cilicia, at taga-Asia, at nakipagtalo kay Esteban. Ngunit hindi sila makasalungat sa karunungan at sa Espiritu na sa pamamagitan nito'y nagsasalita siya” (Mga Gawa 6:9, 10). Ang mga estudyanteng ito ng mga dakilang Rabi na nakaramdam na sa publikong diskusyon ay magtatamo sila ng buong tagumpay laban kay Esteban, dahil sa inaakalang kanyang kawalang malay. Ngunit hindi lamang siya nagsalita sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, sa halip ay napakaliwanag nito sa napakalaking bilang ng mga tao na siya ay mag-aaral din ng mga propesiya, at natuto sa lahat ng mga bagay ng kautusan. May kakayahan niyang ipinaglaban ang mga katotohanang pinanghahawakan niya, at lubusang tinalo ang mga kalaban. TKK 281.2
Napuno ng mapait na pagkagalit ang mga saserdote at mga pinuno na nakasaksi ng kahanga-hangang pagpapakita ng kapangyarihan sa paglilingkod ni Esteban. Sa halip na magpakumbaba sa bigat ng patunay na ipinakita niya, nagsikap silang patahimikin ang kanyang tinig sa pamamagitan ng pagpapapatay sa kanya. Sa ilang pagkakataon ay kanilang sinuhulan ang mga awtoridad na Romano na huwag magkomento at hayaan na ang mga Judio na ilagay sa kanilang mga kamay ang batas, at imbistigahan, hatulan, at patayin ang mga preso ayon sa kanilang pambansang tradisyon. Ang mga kalaban ni Esteban ay hindi nagdudang magagawa nila ang gayon na walang panganib sa kanilang mga sarili. Determinado silang ipagsapalaran ang kahihinatnan sa lahat ng pangyayari, at kanila ngang sinunggaban si Esteban at dinala siya sa konsilyo ng Sanedrin para sa paglilitis. . . . TKK 281.3
Habang si Esteban ay harapang tumayo sa mga hukom, na sumagot sa krimen ng pamumusong, ang banal na kaningningan ay makikita sa kanyang mukha. “Nakita ng lahat ng nakaupo sa Sanhedrin na nakatitig sa kanya na ang kanyang mukha ay katulad ng mukha ng isang anghel” (talatang 15). Yaong nag-angat kay Moises ay makikita sa mukha ng bilanggo kapareho ng banal na liwanag na suminag sa mukha ng propeta ng unang panahon. Ang Shekina ay isang panooring kailanman ay hindi na nila masasaksihan sa Templo na iniwan na ang kaluwalhatian nito magpakailanman. Maraming nakakita ng nagliliwanag na mukha ni Esteban ay natakot at nagtakip ng kanilang mukha; ngunit hindi nabago ang katigasan ng kawalang paniniwala at pagdududa.— THE SPIRIT of PROPHECY, vol. 3, pp. 294-296. TKK 281.4