Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ang mga Alagad, Setyembre 23
At pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan ang pagkabuhay ng Panginoong Jesus at sumakanilang lahat ang dakilang biyaya, Mga Gawa 4:33, TKK 280.1
Matapos ang pagkapako ni Cristo, ang mga alagad ay walang kakayahan, grupong pinanghinaan ng loob—gaya ng mga tupang walang pastol. Ang kanilang Panginoon ay tinanggihan, hinatulan, at ipinako sa kahiya-hiyang krus. Ang mga paring Judio at mga pinuno ay nagpahayag nang may panunuya: “Nagligtas siya ng iba; hindi niya mailigtas ang kanyang sarili. Siya ang Hari ng Israel; bumaba siya ngayon sa krus, at maniniwala tayo sa kanya” (Mateo 27:42). TKK 280.2
Ngunit ang krus, ang instrumentong iyon ng kahihiyan at pahirap, ay nagdala ng pag-asa at kaligtasan sa sanlibutan. Ang mga alagad ay nagtulungan; ang kanilang kawalang pag-asa at kawalang kakayahan ay nawala. Nabago ang kanilang karakter, at nagkaisa sa mga tali ng Cristianong pag-ibig. Sila'y mga simpleng tao, walang kayamanan, at walang armas kundi ang Salita at ang Espiritu ng Diyos, na ibinibilang ng mga Judio na mga mangingisda lamang. Ngunit sa kalakasan ni Cristo sila'y humayo para magpatotoo para sa katotohanan, at magtagumpay sa lahat ng oposisyon. Dinamitan ng saganang koleksyon mula sa Diyos, sila'y humayo para magpahayag ng kahanga- hangang kuwento ng sabsaban at ng krus. Walang taglay na makasanlibutang karangalan at pagkilala, sila'y mga bayani ng katotohanan. Mula sa kanilang mga labi ay lumabas ang mahuhusay na salita na yumanig sa sanlibutan. TKK 280.3
Yaong mga tumanggi at nagpako sa Tagapagligtas ay umaasang makita ang mga disipulo ng pinanghihinaan ng loob at nangabagsak kasama ni Cristo, na handang itanggi ang kanilang Panginoon. Kanilang narinig na may paghanga ang maliwanag, matapang na patotoo ng mga apostol, na ibinigay sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Gumawa at nagsalita ng mga disipulo kung paanong gumawa at nagsalita ang kanilang Panginoon, at lahat ng nakarinig sa kanila ay mga nagsabing, “Sila'y nakasama ni Jesus, at natuto sa Kanya.” TKK 280.4
At habang humahayo ang mga apostol, na ipinangangaral si Jesus sa lahat ng lugar, gumawa sila ng maraming mga bagay hindi sinang-ayunan ng mga pinuno ng mga Judio. Dinala ng mga tao ang kanilang mga maysakit, at iyong mga inaalihan ng masamang Espiritu, sa mga kalsada; pumapalibot ang karamihan sa kanila, at yaong mga pinagaling ay nagsisigaw ng papuri sa Diyos, at niluwalhati ang pangalan Niya na hinatulan ng mga Judio, nilagyan ng koronang tinik, at hinampas at ipinapako.— SIGNS OF THE TIMES, September 20,1899 . TKK 280.5