Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ezra at Nehemias, Setyembre 19
Kaya't sila'y bumasa mula sa aklat, sa kautusan ng Diyos, na may pakahulugan. Kanilang ibinigay ang diwa, kaya't naunawaan ng mga tao ang binasa, Si Nehemias na tagapamahala, ang pari at eskribang si Ezra, at ang mga Levita na nagturo sa bayan ay nagsabi sa buong bayan “Ang araw na ito ay banal sa PANGINOON ninyong Diyos; huwag kayong tumangis, ni umiyak man,” Sapagkat ang buong bayan ay umiyak nang kanilang marinig ang mga salita ng kautusan, Nehemias 8:8, 9. TKK 276.1
Sina Ezra at Nehemias ay mga tao ng pagkakataon. Ang Panginoon ay may espesyal na trabaho para kanilang gawin. Sila'y mananawagan sa bayan na isaalang-alang ang kanilang mga daan, at tingnan kung saan sila nagkamali; sapagkat hindi hinayaan ng Panginoon ang kanyang bayan maging mahina at malito at maging bihag ng walang dahilan. Pinagpala ng Panginoon ang mga taong ito dahil sa pagtayo nila sa tama. Hindi itinalaga si Nehemias bilang saserdote o propeta, ngunit ginamit siya ng Panginoon para gawin ang isang mahalagang gawain. Pinili siya bilang isang pinuno ng bayan. Ngunit hindi nakabatay sa kanyang posisyon ang kanyang katapatan sa Diyos. TKK 276.2
Hindi hahayaan ng Panginoon na mapigilan ang kanyang gawain, kahit pa mapatunayang hindi karapatdapat ang kanyang manggagawa. Ang Diyos ay may reserbang mga tao, handang gawin ang hinihingi, upang ang Kanyang gawain ay maingatan mula sa mapanirang impluwensiya. Mapararangalan at maluluwalhati ang Diyos. Kapag gumawa ang Espiritu ng Diyos sa isipan ng taong itinalaga ng Diyos bilang karapatdapat sa gawain, siya'y tutugon na nagsasabing, “Narito ako, suguin mo ako.” TKK 276.3
Pinatunayan ng Diyos sa bayan na Kanyang ginawan ng maraming bagay na hindi Siya maglilingkod sa kanilang mga kasalanan. Kanyang ginawa, hindi sa pamamagitan niyaong mga tumatangging maglingkod sa Kanya na may iisang layunin, na dinumihan ang kanilang mga daan sa harapan Niya, sa halip ay sa pamamagitan ni Nehemias; sapagkat nakatala siya sa aklat ng langit bilang isang lalaki. Sinabi ng Diyos, “sapagkat ang mga nagpaparangal sa akin ay aking pararangalan” (1 Samuel 2:30). Ipinakita ni Nehemias ang sarili bilang isang lalaking magagamit ng Diyos para alisin ang mga maling prinsipyo at isauli ang mga prinsipyong nanggaling sa langit; at pinarangalan siya ng Diyos. Gagamitin ng Diyos sa Kanyang gawain ang mga taong totoo gaya ng bakal sa mga prinsipyo, silang mga hindi madadala sa kasinungalingan niyaong mga nawalan ng kanilang espiritwal na paningin.— REVIEW AND HERALD, May 2,1899. TKK 276.4