Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

262/366

Esther, Setyembre 18

Nang magkagayo'y ipinabalik sa kanila ni Mordeeai ang sagot kay Esther: “Huwag mong isipin na sa palasyo ng hari ay makakatakas ka na higit kaysa lahat ng ibang mga Judio. Sapagkat kung ikaw ay tatahimik sa panahong ito, ang tulong at kaligtasan ay babangon para sa mga Judio mula sa ibang lugar, ngunit ikaw at ang sambahayan ng iyong ninuno ay mapapahamak. At sinong nakakaalam na kung kaya ka nakarating sa kaharian ay dahil sa pagkakataong ganito?” Esther 4:13,14. TKK 275.1

Nang unang panahon gumagawa ang Panginoon sa kahangahangang paraan sa pamamagitan ng mga nagtalagang kababaihang nakipag-isa sa Kanyang gawain kasama ang mga lalaking Kanyang pinili para tumayo bilang Kanyang mga kinatawan. Ginamit Niya ang mga kababaihan para makakuha ng malaki at siguradong tagumpay. Higit sa isang beses, sa panahon ng kagipitan, dinala Niya sila sa harapan at gumawa sa pamamagitan nila sa ikaliligtas ng maraming buhay. Sa pamamagitan ni Esther na reyna, gumawa ang Panginoon ng isang malaking pagliligtas para sa Kanyang bayan. Sa panahon kung saan parang walang kapangyarihang makapagliligtas sa kanila, si Esther at ang mga babaeng nakasama niya, sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin at agarang pagkilos, ay hinarap ang problema, at nagdala ng kaligtasan sa kanilang bayan. TKK 275.2

Ang pag-aaral ng gawain ng kababaihan na may kaugnayan sa layunin ng Diyos sa panahon ng Lumang Tipan ay magtuturo sa atin ng mga aral na tutulong sa ating harapin ang mga kagipitan ng sanlibutan ngayon. Maaaring hindi tayo malagay sa gayundin na isang kritikal at tanyag na kalagayan na gaya ng mga lingkod ng Diyos ng panahon ni Esther; ngunit madalas na ang nabagong mga kababaihan ay gumawa ng mahalagang bahagi sa isang mas mababang posisyon. Marami ang gumagawa nito, at patuloy na handang gumawa. Tungkulin ng isang babae na makiisa sa kanyang asawa sa pagdidisiplina at pagsasanay ng kanilang mga anak na lalaki at babae, upang sila ay mabago, at ang kanilang kapangyarihan ay naitalaga sa paglilingkod sa Diyos. Marami ang mayroong abilidad na tumayo kasama ang kanilang mga asawa sa mga gawain sa sanitaryum, para magbigay lunas sa mga maysakit at magsalita ng mga payo at pagpapalakas sa iba. Mayroong mga dapat maghanap ng edukasyon na magpapaging karapatdapat sa kanila para gawin ang bahagi ng mga manggagamot.— SPECIAL TESTIMONIES, Series B, vol. 15, pp. 1,2 . TKK 275.3