Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Josias at Hulda, Setyembre 16
“Humayo kayo at sumangguni sa PANGINOON para sa akin sa bayan, at para sa buong Juda tungkol sa mga salita ng aklat na ito na natagpuan, Malaki ang poot ng PANGINOON na nag-aalab laban sa atin, sapagkat hindi sinunod ng ating mga ninuno ang mga salita ng aklat na ito, upang gawin ang ayon sa lahat ng nasusulat tungkol sa atin” 2 Mga Hari 22:13, TKK 273.1
Mula sa pinakaunang bahagi ng kanyang buhay, nagsikap si Josias na magamit ang kanyang posisyon bilang hari para itaas ang mga prinsipyo ng mga banal na kautusan ng Diyos. At ngayon, habang ang eskribang si Safan ay bumabasa sa kanya mula sa aklat ng kautusan, nakita ng hari sa kabuuan nito ang kayamanan ng karunungan, ang makapangyarihang kakampi, sa gawain ng pagbabagong higit niyang ninanasang makita na mangyari sa lupain. Nagdesisyon siyang lumakad sa liwanag ng mga payo nito, at akayin sila, at gawin ang lahat niyang makakaya para mapalapit ang kanyang bayan sa mga aral nito, at akayin sila, kung maaari, na palaguin ang paggalang at pag-ibig para sa kautusan ng langit. TKK 273.2
Ngunit posible bang maisagawa ang kinakailangang pagbabago? Mula sa lahat ng kanyang natutuhan sa pagbabasa ng mga aklat sa harapan niya, ang Israel ay halos umabot na sa limitasyon ng pagtitiis ng Diyos; malapit nang ang Diyos ay tumayo para parusahan ang mga nagdadala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan. Bumangon na ang galit ng Diyos laban sa bayan. Puno ng kalungkutan at pagkadismaya, pinunit ni Josias ang damit niya, at yumukod sa harapan ng Diyos na may paghihirap ng damdamin, na humihingi ng kapatawaran para sa bansang walang pagsisisi. TKK 273.3
Nang panahong iyon, nakatira ang babaeng propetang si Hulda sa Jerusalem, malapit sa Templo. Ang isipan ng hari, puno ng pangamba, ay bumalik sa kanya at siya'y determinadong magtanong sa Panginoon sa pamamagitan ng piniling mensahero na ito, para matuto, kung maaari, kahit sa ano mang paraan na kanyang magagawa ay mailigtas ang nagkakamaling Juda, na ngayon ay nasa bingit ng pagkawasak. TKK 273.4
Ang bigat ng sitwasyon, at ang respetong mayroon siya sa babaeng propeta, ay nagtulak sa kanyang piliin bilang mga mensahero niya sa kanya ang mga unang lalaki ng kaharian. “Humayo kayo,” ang sabi niya sa kanila, “at sumang- guni sa PANGiNooN para sa akin sa bayan, at para sa buong Juda tungkol sa mga salita ng aklat na ito na natagpuan. Malaki ang poot ng PANGiNooN na nag-aalab laban sa atin, sapagkat hindi sinunod ng ating mga ninuno ang mga salita ng aklat na ito, upang gawin ang ayon sa lahat ng nasusulat tungkol sa atin.”— REVIEW AND HERALD, July 22,1915 . TKK 273.5