Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Isaias, Setyembre 14
At sinabi niya, “Ikaw ay humayo, at sabihin mo sa bayang ito: ‘Patuloy kayong makinig, ngunit huwag ninyong unawain; patuloy ninyong tingnan, ngunit huwag ninyong alamin!’ Patabain mo ang puso ng bayang ito, at iyong pabigatin ang kanilang mga pandinig, at iyong ipikit ang kanilang mga mata; baka sila'y makakita ng kanilang mga mata, at makarinig ng kanilang mga tainga, at makaunawa ng kanilang puso, at magbalik-loob, at magsigaling” Isaias 6:9,10. TKK 271.1
Maliwanag ang tungkulin ng propeta; itataas niya ang kanyang tinig bilang protesta laban sa umiiral na mga kasamaan. Ngunit natakot siyang isagawa ang gawain ng walang kasiguruhan ng pag-asa. “Panginoon, hanggang kailan?” TKK 271.2
(Isaias 6:11) ang tanong niya. Wala ba sa iyong piniling bayan ang makauunawa, at magsisisi, at pagagalingin? Ang pasanin ng kanyang kaluluwa para sa nagkakasalang Juda ay hindi mawawalang kabuluhan. Ang kanyang misyon ay hindi mawawalan ng bunga sa kabuuan. Gayunman hindi maaalis sa kanyang panahon ang mga kasamaang patuloy na dumarami sa maraming mga henerasyon. Sa buong buhay niya ay kailangan niyang maging matiyaga at matapang na guro—isang propeta ng pag-asa gayundin ng parusa. Ang layunin ng Diyos na maisasakatuparan sa huli, ang buong bunga ng mga pagsisikap niya, at ng paggawa ng lahat ng mga tapat na mensahero ng Diyos, ay mahahayag. Ang nalabi ay maliligtas. Upang mahayag ito, ang mensahe ng babala at panawagan ay kailangang dalhin sa mga mapagrebelde, ipinahayag ng Panginoon, “‘Hanggang sa ang mga lunsod ay magiba na walang naninirahan, at ang mga bahay ay mawalan ng tao, at ang lupain ay maging lubos na mawasak, at ilayo ng PANGINOON ang mga tao, at ang mga pinabayaang dako ay marami sa gitna ng lupain’” (talatang 11, 12). TKK 271.3
Ang mabigat na mga hatol na babagsak sa mga hindi nagsisisi—digmaan, pagpapatapon, panggigipit, ang pagkawala ng kapangyarihan at karangalan sa gitna ng mga bansa—ang lahat ng mga ito ay darating upang yaong makakita sa mga ito ang kamay ng nasaktang Diyos ay maakay sa pagsisisi. Ang sampung tribo ng mga kaharian sa hilaga ay malapit nang maipangalat sa mga bansa, at ang kanilang mga siyudad ay maiiwang desyerto; ang mapangwasak na mga sundalo ng mga kaaway na bansa ay wawasakin ng paulit-ulit ang kanilang lupain; maging ang Jerusalem sa huli ay babagsak, ang Juda ay dadalhin bihag; gayunman ang Lupang Pangako ay hindi mananatiling tinalikdan magpakailanman.— REVIEW AND HERALD, March 11,1915 . TKK 271.4