Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Elias, Setyembre 12
Si Elias ay lumapit sa buong bayan, at nagsabi, “Hanggang kailan kayo magpapatalun-talon sa dalawang magkaibang kuru-kuro? Kung ang PANGINOON ay Diyos, sumunod kayo sa kanya, ngunit kung si Baal, sa kanya kayo sumunod”‘ At ang bayan ay hindi sumagot sa kanya kahit isang salita, 1 Mga Hari 18:21. TKK 269.1
S a mga kabundukan ng Gilead, sa silangan ng Jordan, ay may isang lalaki ng pananampalataya at panalangin na sa mga kaarawan ni Ahab ay talagang pumigil ng pagtalikod ng Israel sa pamamagitan ng kanyang walang takot na ministeryo. Malayo sa tanyag na siyudad at walang mataas na kalagayan sa buhay, si Elias na Tisbita ay pumasok sa misyong ito na may pagtitiwala sa adhikain ng Diyos na ihanda ang daan niya at magbigay sa kanya ng saganang tagumpay. Nasa kanyang mga labi ang salita ng pananampalataya at kapangyarihan, at natalaga sa gawain ng reporma ang buhay niya. Ang tinig niya ay tulad ng isang sumisigaw sa ilang upang sansalain ang kasalanan at hadlangan ang mga puwersa ng kasamaan. Habang humarap siya sa bayan bilang tagasaway ng kasalanan, naghandog naman ang pabalita niya ng balsamo ng Gilead sa mga kaluluwang salanta ng kasalanan na naghahangad ng pagpapagaling. TKK 269.2
Habang nakikita ni Elias ang patuloy na paglubog ng Israel sa idolatriya, nanlulumo ang kaluluwa niya at umigting ang galit niya. Ang Diyos ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa Kanyang bayan. Kanyang iniligtas sila mula sa pagkabilanggo at ibinigay Niya sa kanila “ang mga lupain ng mga bansa; . . . upang kanilang ingatan ang kanyang mga tuntunin” (Awit 105:44, 45). Ngunit ang mapagbigay na hangad ni Jehova ay matagal nang nilimot. Ang kawalang pagtitiwala ay mabilis na naghihiwalay sa piniling bayan mula sa Pinagmumulan ng kanilang lakas. TKK 269.3
Habang tinitingnan ang pagtalikod na ito sa pananampalataya mula sa bundok na kanyang pinapagpapahingahan, si Elias ay napakumbabawan ng kalungkutan. Sa pagdadalamhati ng kaluluwa kanyang nilapitan ang Diyos upang kunin ang minsang itinanggi na mga tao mula sa kanilang makasalanang kalagayan, upang dalawin sila ng paghuhukom, kung kinakailangan, upang sila ay akayin na makita sa tunay na liwanag ang kanilang paglisan mula sa Langit. Kanyang inasam-asam na makita silang dalhin sa pagsisisi bago sila tuluyang mapalaot sa masamang-gawain na magpapagalit sa Panginoon at sila ay tuluyang wasakin.— PROPHETS AND KINGS, pp. 119,120 . TKK 269.4