Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

251/366

Debora at Barak, Setyembre 7

Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barak na anak ni Abinoam nang araw na iyon, “Sapagkat ang mga pinuno ay nanguna sa Israel, sapagkat kusang inihandog ng bayan ang kanilang sarili, purihin ninyo ang PANGINOON,” Mga Hukom 5:1,2. TKK 264.1

Ang mga Israelita, na muling inihiwalay ang kanilang sarili sa Diyos sa pamamagitan ng idolatriya, ay puno ng dalamhati na sinugatan ng mga kaaway na ito. Laging nasa panganib ang pag-aari at maging ang buhay ng mga tao. Mula noon naging disyerto ang mga nayon at malulungkot na mga tahanan, at nagsama-sama sa napapaderang mga siyudad ang mga tao. TKK 264.2

Ang mga matataas na mga daan ay hindi tinatahanan, at ang mga tao ay nagpapalipat-lipat ng mga lugar na liblib sa mga daanan. Sa mga lugar na pinagkukunan ng tubig, marami ang ninanakawan at pinapatay, at dagdag pa sa kanilang kabalisahan, ang mga Israelita ay walang armas. Sa apat na libong mga kalalakihan, walang isa mang tabak o sibat ang makikita. TKK 264.3

Sa loob ng dalawampung taon, ang mga Israelita ay naghihinagpis sa ilalim ng pamatok ng mga mapang-api, pagkatapos ay tumalikod sa kanilang pagsamba sa mga idolo, at may pagpapakumbaba at pagsisisi na tumawag sa Panginoon para sa pagliligtas. Hindi nawalang kabuluhan ang kanilang pagtawag. May nananahan sa Israel na naglalarawan ng kanyang kabanalan, at sa pamamagitan niya ay pinili ng Diyos na iligtas ang Kanyang bayan. Debora ang kanyang pangalan. Kilala siya bilang propeta, at sa kawalan ng karaniwang mga hukom, lumapit sa kanya ang mga tao para sa payo at hustisya. TKK 264.4

Nakipag-usap ang Panginoon kay Debora tungkol sa kanyang layuning wasakin ang mga kaaway ng Israel, at sinugo siya na magsugo ng isang lalaking nagngangalang Barak, mula sa tribo ni Naptali, at ipaalam sa kanya ang mga utos na kanyang tinanggap. At gayon ng ipinatawag niya si Barak, at tinuruan siyang bumuo ng sampung libong mga lalaki mula sa tribo ni Naptali at Zabulun, at gumawa ng mga armas sa mga sundalo ni Haring Jabin. . . . TKK 264.5

Ipinagdiwang ni Debora ang tagumpay ng Israel sa isang napakaganda at makabagbag-damdaming awit. Ibinilang niya sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian ng kanilang pagkaligtas, at pinaki-usapan ang mga tao na purihin Siya sa Kanyang kahanga-hangang mga gawa.— SIGNS of THE TIMES, June 16,1881. TKK 264.6