Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

245/366

Setyembre—Pinalakas ng Espiritu

Enoc, Setyembre 1

Sa pananampalataya si Enoc ay dinalang paitaas anupa't hindi na niya naranasan ang kamatayan, “Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya'y kinuha ng Diyos” Sapagkat bago siya dinalang paitaas, pinatotohanan na ang Diyos ay nalugod sa kanya, Hebreo 11:5, TKK 258.1

Si Enoc ay pampublikong guro ng katotohanan noong henerasyong nabuhay siya. Itinuro niya ang katotohanan, at ang karakter ng guro na lumakad kasama ang Diyos sa lahat ng paraan ay kasangayon sa kadakilaan at kabanalan ng kanyang misyon. Si Enoc ay isang propetang nagsasalita sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Siya ay liwanag sa kalagitnaan ng kadiliman, isang taong huwaran, isang taong lumalakad kasama ang Diyos, na masunurin sa kautusan ng Diyos—yaong kautusang tinanggihang sundin ni Satanas, na nilabag ni Adan, na sinunod ni Abel, at dahil sa kanyang pagsunod ay pinatay siya. TKK 258.2

At ngayon ay ipinakikita ng Diyos sa kalawakan ang kasinungalingan ng akusasyon ni Satanas na hindi masusunod ng tao ang kautusan ng Diyos. Kanyang ipinakikita na kahit nagkasala ang tao, maaari siyang makitungo sa Diyos na magkakaroon siya ng kaisipan at Espiritu ng Diyos at magiging simbolong kinatawan ni Cristo. Pinili ng Diyos ang taong banal na ito para tuligsain ang kasamaan ng sanlibutan at maging ebidensya sa sanlibutan na posible para sa tao na masunod ang lahat ng kautusan ng Diyos. . . . TKK 258.3

Hindi lamang nagmuni-muni at nanalangin si Enoc, at sinuot ang kasuotang pandigma ng pagiging mapagbantay, ngunit sumulong siya mula sa pagsusumamo sa Diyos para magsumamo sa kanyang kapwa tao. Hindi niya tinakpan ang katotohanan para tumanggap ng pabor mula sa mga hindi naniniwala, na sa gayon ay pinabayaan ang kanilang mga kaluluwa. Ang malapit na ugnayang ito sa Diyos ay nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para gawin ang gawain ng Diyos. Lumakad si Enoc kasama ng Diyos at “pinatotohanan na ang Diyos ay nalugod sa kanya” (Hebreo 11:5). TKK 258.4

Ito ang pribilehiyo ng lahat ng mananampalataya ngayon. Ito'y ang taong nananahan sa Diyos, at ang Diyos na nananahan sa mga tao. “Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin” (Juan 17:23), sabi ni Jesus. Ang makalakad kasama ang Diyos at magkaroon ng patotoo na nagbibigay lugod sa Kanya ang kanilang mga daan ay isang karanasang hindi lamang limitado kay Enoc, kay Elias, sa mga patriyarka, sa mga propeta, sa mga apostol, at sa mga martir. Hindi lamang ito pribilehiyo sa halip ay tungkulin ng bawat tagasunod ni Cristo na mailuklok sa puso, para taglayin Siya kasama sila sa kanilang mga buhay; at sila'y magiging punong talagang nagbubunga.— THE UPWARD LOOK, p. 228 . TKK 258.5