Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ang Tamang Pag-uugali, Agosto 31
Ingatan ninyo ang inyong sarili, upang huwag ninyong maiwala ang mga bagay na aming pinagpaguran, kundi upang tumanggap kayo ng lubos na gantimpala. Ang sinumang lumalampas at hindi nananatili sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Diyos; ang nananatili sa aral ay kinaroroonan ng Ama at gayundin ng Anak. 2 Juan 8, 9. TKK 256.1
Hindi magtatagal at lahat ng posibleng pagsisikap ay gagawin para alisin at baluktutin ang katotohanan ng patotoo ng Espiritu ng Diyos. Taglay ang kahandaan ay dapat tayong magkaroon ng maliwanag at tuwid na mga mensahe na noong 1846 ay dumarating na sa bayan ng Diyos. TKK 256.2
Magkakaroon ng mga minsan ay kaisa natin sa pananam- palataya na maghahanap ng bago, at kakaibang mga doktrina, para sa kakaiba at makapukaw-damdamin na ipahahayag sa mga tao. Magpapasok sila ng lahat ng nalilikhang isip na mga kamalian, at ipahahayag ito na nanggaling kay Ginang White, upang kanilang malinlang ang mga kaluluwa. . . . TKK 256.3
Yaong pinakitunguhan ang liwanag na ibinigay ng Panginoon bilang pangkaraniwang bagay ay hindi makikinabang sa mga turong ipinakita. TKK 256.4
Mayroong mga magbibigay ng maling kahulugan sa mga mensaheng ibinigay ng Panginoon, ayon sa kanilang espiritwal na pagiging bulag. TKK 256.5
Bibitaw ang iba sa kanilang pananampalataya, at itatanggi ang katotohanan ng mga mensahe, na itinuturo ito na mga kasinungalingan. TKK 256.6
Ang iba ay lilibakin ito, na gumagawa laban sa liwanag na ibinigay ng Panginoon sa maraming mga taon, at ang ilan sa mga mahihina sa pananampalataya sa gayon ay maliligaw. TKK 256.7
Ngunit ang iba ay lubhang matutulungan ng mga mensahe. Bagamat hindi personal na binabanggit, maitatama sila, at maaakay para layuan ang mga masasamang nabanggit. . . . Ang Espiritu ng Panginoon ay naroon sa mga turo, at maaalis ang mga pagdududang umiiral sa maraming isipan. Ang mga patotoo sa sarili nito ang magiging susi na magpapaliwanag sa mga mensaheng ibinigay, kung paanong ang kasulatan ay ipinaliliwanag ng kasulatan. Maraming magbabasa ng mga mensahe na may pananabik na sinasaway ang mali, upang kanilang matutuhan kung ano ang kanilang gagawin upang maligtas. . . . Ang mga mensaheng ito ay dapat makatagpo ng kanilang lugar sa mga puso, at mangyayari ang pagbabago.— SELECTED MESSAGES, vol. 1, pp. 41,42 . TKK 256.8