Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

242/366

Pagtatapos na Mensaheng Sinalita sa mga Kabataan, Agosto 29

Tungkol sa akin, ako'y ibinuhos na tulad sa inuming handog, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na, Nakipaglaban ako ng mabuting pakikipaglaban, natapos ko na ang aking takbuhin, iningatan ko ang pananampalataya, Kaya't mula ngayon ay nakalaan na sa akin ang putong ng katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kanyang pagpapakita, 2 Timoteo 4:6-8, TKK 254.1

Hindi ko inaasahang mabuhay ng mahaba. Malapit nang matapos ang aking gawain. Sabihin Ninyo sa ating mga kabataan na nais kong ang aking salita ay magpalakas sa kanila sa paraan ng pamumuhay na magiging pinakanakahahalina sa makalangit na nilalang, at ang kanilang impluwensiya sa iba ay maging nagpapadakila. TKK 254.2

Nang isang gabi ako'y pumipili at nagtatabi ng mga libro na walang pakinabang sa kabataan. Dapat tayong pumili para sa kanila ng mga libro na magpapasigla sa kanila sa katapatan sa buhay, at maghahatid sa kanila sa pagbubukas ng Salita. Ipinakita ito sa akin nang nakalipas, at iniisip ko Aking dadalhin ito sa inyong harapan at siguruhin ito. Hindi natin maaaring bigyan ang kabataan ng walang kabuluhang babasahin. Ang mga aklat na magiging pagpapala sa isipan at sa kaluluwa ay kinakailangan. Ang mga bagay na ito ay hindi gaanong pinahahalagahan, kung kaya ang ating mga kapatid ay dapat maging pamilyar sa aking sinasabi. TKK 254.3

Hindi ko iniisip na magkaroon pa ng maraming mga patotoo para sa ating bayan. Ang mga kalalakihan natin na may matatag na mga kaisipan ay nakaaalam ng mabuti sa pag-aangat at pagpapatibay ng gawain. Ngunit taglay ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang mga puso, kailangan nilang maging mas malalim sa pag-aaral ng mga bagay ng Diyos. Talagang nananabik akong ang ating mga kabataan ay magkaroon ng tamang klase ng babasahin; pagkatapos ang mga nakatatanda ay kukunin rin ito. Kailangan nating panatilihin ang ating paningin sa mga panrelihiyong pantawag ng pansin ng katotohanan. Dapat panatilihin natin sa ating isip at utak na bukas sa mga katotohanan ng Salita ng Diyos. Lumalapit si Satanas kapag hindi namamalayan ng tao. Hindi tayo dapat masiyahan dahil minsang naipahayag ang mensaheng nagbibigay babala. Dapat nating ipahayag itong paulit-ulit.— REVIEW AND HERALD, April 15,1915 . TKK 254.4