Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

241/366

Direksyon Para sa mga Kabataan, Agosto 28

Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin. Kawikaan 3:6. TKK 253.1

May dakilang mga bagay na inaasahan sa mga anak na lalaki at babae ng Diyos. Aking tiningnan ang mga kabataan ng kasalukuyan, at nanabik ang aking puso para sa kanila. Anong mga posibilidad ang bukas sa harapan nila! Kung tapat nilang ninanais na matuto kay Cristo, Kanyang bibigyan sila ng karunungan, kung paanong nagkaloob Siya ng karunungan kay Daniel. Maaari silang magtamo ng mga direksyon mula sa Kanya na malakas sa payo. “Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan” (Awit 111:10). Sinabi ng mang-aawit, “Ang paghayag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng kaliwanagan; nagbibigay ng unawa sa walang karunungan” (Mga Awit 119:130). At sinulat ng pantas, “Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin.” TKK 253.2

Sikaping pahalagahan ng mga kabataan ang pribilehiyo na maaaring maging kanila, ang maging pinangungunahan ng hindi nagkakamaling karunungan ng Diyos. Hayaang kunin nila ang Salita ng katotohanan bilang kanilang tagapayo, at maging mahuhusay sa paggamit ng “tabak ng Espiritu.” Si Satanas ay matalinong heneral, ngunit mapagtatagumpayan siya ng mapagkumbaba at tapat na sundalo ni Jesu-Cristo. Isinulat tungkol sa mga nagtagumpay, na “siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo” (Apocalipsis 12:11). TKK 253.3

Hindi tayo dapat magtiwala sa sarili. Ang ating kalakasang may hangganan ay kahinaan lamang. Sinabi ni Jesus, “Kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa”; ngunit Kanyang ipinangako, “Kung kayo'y mananatili sa akin, at ang mga salita ko'y mananatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong nais, at ito'y gagawin para sa inyo” (Juan 15:5, 7). TKK 253.4

Itinuturo itong isang dakilang pagkilala na maimbitahan sa harapan ng hari ng sanlibutang ito. Ngunit ating tingnan ang pribilehiyo na iniaalok sa atin. Kung ating susundin ang hinihingi ng Diyos, maaaring tayo maging mga anak na lalaki at babae ng Hari ng sansinukob. Sa pamamagitan ng napako at muling nabuhay na Tagapagligtas, maaari tayong mapuno ng mga bunga ng katuwiran, at maging karapatdapat na magliwanag sa patyo ng Hari ng mga hari sa loob ng hindi natatapos na panahon. . . . Ang ating gawain ay sikaping magkaroon ng malapit na ugnayan sa Anak ng Diyos, ang matuto sa Kanyang paaralan, ang maging maamo at mababang-loob, para gawin ang gawain ni Cristo, nagsusulong ng Kanyang kaharian at nagpapadali ng Kanyang pagdating.— REVIEW AND HERALD, February 28,1888 . TKK 253.5