Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Kasiglahan Para sa mga Nagkakamali, Agosto 27
At ito ang mensahe na aming narinig sa kanya at sa inyo'y aming ipinahahayag, na ang Diyos ay liwanag, at sa kanya'y walang anumang kadiliman, Kung sinasabi nating tayo'y may pakikisama sa kanya, at tayo'y lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang katotohanan, Ngunit kung tayo'y lumalakad sa liwanag, na tulad niya na nasa liwanag, may pakikisama tayo sa isa't isa, at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan, 1 Juan 1:5-7, TKK 252.1
Sa loob ng kalahating siglo ay naging mensahero ako ng Panginoon, at habang nabubuhay ako ay magpapatuloy akong pasanin ang mga mensaheng ibinigay sa akin ng Diyos para sa Kanyang bayan. Hindi ko kinukuha ang kaluwalhatian para sa aking sarili; sa aking kabataan ay ginawa ako ng Panginoon na Kanyang mensahero, para ipahayag sa Kanyang bayan ang mga patotoong nagpapalakas, mga babala, at sumbat. Sa loob ng animnapung mga taon ay may pakikipagugnayan ako sa makalangit na mga mensahero, at patuloy akong natututo patungkol sa makadiyos na mga bagay, at patungkol sa daan kung saan ay patuloy na gumagawa para magdala ng kaluluwa mula sa kamalian ng kanilang mga daan tungo sa liwanag, ang liwanag ng Diyos. TKK 252.2
Maraming kaluluwa ang natulungan dahil naniwala silang ang mga mensaheng ibinigay sa akin ay ipinadala dahil sa kaawaan para sa mga nagkakamali. Nang makita ko yaong mga nangangailangan ng ibang antas ng karanasang Kristiyano, ay sinabi ko ang gayon sa kanila, para sa kanilang kasalukuyang at walang-hanggang ikabubuti. At habang pinananatili ng Panginoon ang aking buhay, gagawin ko ang trabaho ko na may katapatan, ang mga lalaki o babae man ay didinig at tatanggap at susunod. Maliwanag na ibinigay sa akin para gawin ang aking gawain, at tatanggap ako ng biyaya sa pagiging masunurin. TKK 252.3
Iniibig ko ang Diyos. Iniibig ko si Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos, at nakadarama ako ng matinding pagnanais sa bawat kaluluwa na nag-aangking anak ng Diyos. Determinado akong maging tapat na katiwala habang pinananatili ng Panginoon ang aking buhay. Hindi ako mabibigo o manghihina TKK 252.4
Mahal ko ang Panginoon; mahal ko ang aking Tagapagligtas, at nasa Kanyang mga kamay ang aking buong buhay. Hanggat ako'y Kanyang inaalalayan, aking dadalhin ang isang siguradong patotoo.— MANUSCRIPT RELEASES, no. 5, pp. 152,153 . TKK 252.5