Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan

239/366

Banal na Payo Para sa mga Magulang, Agosto 26

Mga anak, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala ang Ama, Mga ama, kayo'y sinusulatan ko sapagkat inyong nakilala siyang nagbuhat pa nang pasimula, Mga kabataan, kayo'y sinusulatan ko sapagkat kayo'y malalakas, at ang salita ng Diyos ay nananatili sa inyo, at inyong dinaig ang masama, 1 Juan 2:14, TKK 251.1

Maaaring maunawaan ng mga magulang na sa kanilang pagsunod sa direksyon ng Diyos sa pagsasanay ng kanilang mga anak, makatatanggap sila ng tulong mula sa itaas. Tatanggap sila ng higit pang pakinabang; sapagkat habang nagtuturo sila, natututo sila. Ang kanilang mga anak ay magkakamit ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng kaalamang nakuha nila sa pag-iingat ng daan ng Panginoon. Nabibigyan sila ng kakayahang magtagumpay sa natural at minanang kaugalian sa masama. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ng kabaitan at pagtitiyaga, sa pamamagitan ng paghubog ng mga karakter ng kanilang mga anak ayon sa halimbawa ng Diyos, nagiging karapatdapat ang mga ama at mga ina na tumulong sa kabataan sa labas ng kanilang mga tahanan. TKK 251.2

Mga magulang, inyong gawain na paunlarin sa inyong mga anak ang pagtitiis, katatagan, at tunay na pag-ibig. Sa tamang pakikitungo sa mga anak na ibinigay ng Diyos sa inyo, tinutulungan Ninyo silang maglagay ng pundasyon para sa malinis at naging balanseng mga karakter. Inyong ikinikintal sa kanilang mga isipan ang mga prinsipyong isang araw ay kanilang susundin sa kanilang sariling mga pamilya. Ang epekto ng inyong maayos na mga pagsisikap ay makikita kung paano nila tratuhin ang kanilang sambahayan sa daan ng Panginoon. TKK 251.3

Mapalad ang pamilya kung saan ang ama at ina ay nagsuko ng kanilang mga sarili sa Diyos para gawin ang Kanyang kalooban! Ang isang maayos at disiplinadong pamilya ay nagsasalita ng higit tungkol sa Cristianismo higit pa sa mga sermong maipangangaral. Nagpapatunay ang gayong pamilya na naging matagumpay ang mga magulang sa pagsunod sa direksyon ng Diyos, at ang kanilang mga anak ay maglilingkod sa Kanya sa iglesya. Lumalago ang kanilang impluwensiya; sapagkat habang nagbabahagi sila, tumatanggap sila para magbahaging muli. Ang ama at ina ay nakatatagpo ng katulong sa kanilang mga anak, na nagbibigay sa iba ng mga utos na tinanggap sa tahanan. Natutulungan ang mga kapitbahay kung saan sila naninirahan, sapagkat dito pinagyaman sila para sa ngayon at sa walanghanggan. Nakikilahok ang buong pamilya sa gawain ng Panginoon; at sa pamamagitan ng kanilang makadiyos na halimbawa, ang iba ay pinasiglang maging tapat at totoo sa Diyos sa pakikitungo sa Kanynag kawan, ang Kanynag magandang kawan.— REVIEW AND HERALD, June 6,1899. TKK 251.4