Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan
Ang Suporta ng mga Misyon, Agosto 24
Dapat silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, bukas ang palad at handang mamahagi, sa gayo'y magtitipon sila para sa kanilang sarili ng isang mabuting saligan para sa hinaharap upang sila'y makapanghawak sa tunay na buhay. 1 Timoteo 6:18,19. TKK 249.1
Ang misyon ng iglesya ni Cristo ay ang iligtas ang napapahamak na mga makasalanan. Ito ay ang ipaalam ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao, at upang madala sila kay Cristo sa pamamagitan ng bisa ng pag-ibig na iyon. Dapat dalhin ang mga katotohanan sa kapanahunang ito sa madidilim na sulok ng mundo, at maaaring mag-umpisa ang gawaing ito sa tahanan. TKK 249.2
Hindi dapat mamuhay ng makasariling pamumuhay ang mga tagasunod ni Cristo; sa halip, pinuno ng Espiritu ni Cristo, ay dapat silang gumawang kasang-ayon Niya. TKK 249.3
Binigyan Niya ang Kanyang bayan ng panukala sa pangingilak ng mga salaping sapat para gawin ang proyekto na nasusustentuhan ang sarili nito. Ang panukala ng Diyos sa sistema ng pag-iikapu ay napakaganda sa kasimplehan at pagkakapantay-pantay nito. Ang lahat ay maaaring manghawak dito na may pananampalataya at lakas ng loob, sapagkat nagmula ito sa Diyos. Dito ay pinagsama ang kasimplihan at kagamitan, at hindi nito hinihingi ang malalim na pinag-aralan para maunawaan at maisagawa ito. TKK 249.4
Mararamdaman ng lahat na maaari silang makibahagi sa pagpapasulong ng mahalagang gawain ng kaligtasan. Ang bawat lalaki, babae, at kabataan ay maaaring maging ingat-yaman para sa Diyos. At hindi na mangangailangan pa ng mga pamamaraan kung paano pasusulungin ang dakilang gawain ng pagpapatunog ng huling mensahe ng babala sa sanlibutan. TKK 249.5
Mapupuno ang kabang-yaman kung tatanggapin ng lahat ang sistemang ito, at ang mga nagbibigay ng bahagi ay hindi iiwang wala ang mas mahihirap. Sa pamamagitan ng bawat pamumuhunang ginawa sila'y lalong magiging nakaugnay sa gawain ng katotohanang pangkasalukuyan. Sila'y “magtitipon sila para sa kanilang sarili ng isang mabuting saligan para sa hinaharap upang sila'y makapanghawak sa tunay na buhay” (1 Timoteo 6:19). TKK 249.6
Kung ang panukala ng sistematikong pagbibigay ay gagawin ng bawat indibidwal, at lubos na isasakatuparan, magkakaroon ng patuloy na panustos sa kabang-yaman. Ang kinikita ay aagos papasok na gaya ng sapang nanatiling patuloy na tinutustusan ang nag-uumapaw na bukal ng kabaitan.— EAST MICHIGAN BANNER, January 18,1905 . TKK 249.7